Makakuha ng mga solusyon sa iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang mabilis at tumpak na Q&A platform. Tuklasin ang detalyadong mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga eksperto sa aming komprehensibong Q&A platform. Tuklasin ang komprehensibong mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa mga bihasang propesyonal sa iba't ibang larangan sa aming platform.

Ano ang alamat ng marikina Makasagot nito ibebrainliest ko

Sagot :

Answer:

Alamat ng Marikina

ni Antonio, Emilio Martinez (Kuwentong Pampaaralan)

         Noong mga unang dako, sinasabing ang baying Marikina ay isang pook na masukal, sagana sa iba’t-ibang punong-kahoy, ay may madamong kapatagan. Tangi sa magandang tanawin ng kalikasan, sa pook na ito ay may isa rin kaayaayang batis na dinadaluyan ng malinis at malinaw na tubig. Kaya’t dito ay naglisaw lamang ang mga alagang baka, kalabaw, tupa at kambing.

         Nang mga panahong yaon, palibhasa’y ang mga tao ay nagkasiya na lamang sa pagpapalipat-lipat ng pook dahil sa pagpili ng mga lupang magagawang kaingin na mapagtatamnan ng palay, mais, kamote at iba’t-ibang gulay, kaya’t madalang ang bahay dito at ang karamiha’y yari sa mga kawayan a kugon lamang. Gayon man, ang buhay ng mga tao noon ay masagana at hindi nakikilala ang gutom.

         Kabilang sa mga naninirahan sa pook na ito ay mag-asawang Marta at Kanor, na may isang anak na dalagang ang pangalan ay Marina.

         Nagtataglay ng pambihirang kagandahan si Marina, kaya’t kung tawagin siya ng mga binatang humahanga sa kanya, ay anak ng kabilugang Buwan. Mangyari’y maganda ang pagkabilog ng kanyang mukha, makinis at maputing mamula-mula ang kulay ng pisngi, may mapupungay na mata at pantay-sakong ang kanyang maitim at alun-along buhok.

         Nguni’t lagi na lamang pinupuri si Marina ng kanyang mga talisuyo ay hindi niya nakikita ang sariling kagandahan; sapagka’t sa tuwina’y nakatuun ang kaniyang isip sa pagtawag sa Diyos. Wala siyang hilig sa layaw at karangyaan, kahi’t ang lagging idinadalangin ni Marina ay huwag siyang marahuyo sa matatamis na pangungusap ng sino mang binatang sumumasamo sa kanya. Lubos na katutubo sa dalaga ang pagkamaibigin sa katahimikan.

         Malabis naming ikinatuwa ng mag-asawang Marta at Kano rang namalas nilang likas na kabaitan ng kanilang anak na dalaga.

-      Baka kaya hindi magtagal sa atin si Marina, a, - ang minsa’y nasabi

Tuloy ni Aling Marta sa asawa. – Kinukuha raw agad ng Diyos ang mababait na anak e.

-      Kung anu-ano ang iniisip mo, - ang tugon ni Kanor kay Marta, - ang

Sabihin mo ay mababait na anak lamang ang nakapaglilingkod sa magulang.

         Isang hapon ay naisipan ni Marina na manaog at magtungo sa batis. Umupo siya sa isang malaking tipak na bato at nanalamin sa malinaw na tubig. Napagmasdan niya ng sariling larawan na bumibighani sa maraming binata sa kanilang pook. Napangiti si Marina, sapagak’t siya man ay humanga rin sa sarili niyang kagandahan.

         Naganyak si Marina na maligo sa batis sa pag-aakalang siya ay nag-iisa nang mga sandaling yaon. Muli niyang inilugay ang mahaba at alun-alon niyang buhok. Nguni’t nang magluunoy na lamang siya sa tubig ay biglang nakarinig siya ng isang tinig na anya:

-      Marikit ka, Marina!... Napakarikit mo, Marina!... Pinakamamahal kita!

Napagulat si Marina, kaya’t siya ay lumuhod at taimtim na nagdasal: -

Panginoon, kung ako po ay madadaig ng tuksong iyon... ay mabuti pang kunin Mo nap o ako!...

         Bigla namang nagdilim at gumuhit ang matatalim na kidlat. At walang abug-abog ay bumuhos ang malakas na ulan. Nang tumila ang ulan, sa kung anong hiwaga, ay nawala na si Marina, nguni’t sa buong paligid ng pook na iyon ay dinig na dinig ng mga tao ang mahabang alingawngaw na: Marikit ka, Marina!...

         Nang magkasalin-salin ang alingawngaw na yaon sa labi ng mga tao, pagkaraan ng maraming taon ay naging “MARIKINA,” na siya nang naging pangalan ng baying Marikina na ngayon ay nasasakop ng lalawigang Rizal.