4. ____. Ito ay isang uring palmera na lumalaki hanggang 25m pataas. Ang katawan naman
nito ay may sukat na 30 hanggang 50cm. Tumutubo ito sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas.
Tinatawag itong "Tree of Life” dahil sa dami ng gamit na taglay nito. Dito nagmumula ang
virgin coconut oil, copra, at panggamot para sa mga may sakit sa pag-ihi.
5. __ Tumutukoy sa matigas na bahagi ng puno. Ito ay may pibro at karaniwang
ginagamit sa paggawa ng kabuuan ng bahay.
Karaniwan sa mga kasangkapan sa bahay tulad ng muwebles ay mula rito. Ilan sa
mga halimbawa nito ay ang yakal, molave, narra, at kamagong. Ang malalambot naman na
kahoy katulad ng lawan, palosapis dao, at mahogany ay ginagamit sa paggawa ng kuwadro,
papel, at palito ng posporo.
6. ____. Ito ay tumutukoy sa mga balat ng malalaking hayop, katulad ng baka o mga wangis
-baka.
Dumaan ito sa mahabang pagpoproseso para mapanatili ang katibayan at angking
katangian. Ang karaniwang mga gamit nito ay sa paggawa ng sapatos, dyaket, mahahabang
pangginaw, palda, at iba pang mga damit. Ginagamit din ito sa paggawa ng sinturon, bag,
maleta, at mga kasangkapang pambahay at pang-opisina.