1. Naniniwala ang mga mananaliksik na ang mga langgam ay posibleng mahulaan ang
kanilang gagawing pagkilos sa iniisip nilang pahalang na daanan at pagkatapos
naitatala ang distansiya ng lupa patungo sa kanilang lungga sa kapatagan.
2. Ang mga langgam, ay kung saan-saan napupunta sa paghahanap ng kanilang
makakain. Pero kapag oras na para bumalik sila sa kanilang lungga bumabalik sila
sa nakakabilib na diretsong linya.
3. Pinag-aralan ng pangkat ni Sandra Wohlgemuth mula sa Humbolt University sa
Berlin ang mga langgam sa disyerto ng Sahara at tinuruang maglakad sa itaas at
ibaba ng bundok para kumuha ng pagkain.
4. Kung paano sila nakakauwi mula sa pagkuha ng mga pagkain ay palaisipan pa rin sa
mga siyentipiko. Ngayon ay ipinahihiwatig ng mananaliksik na German at Swiss na
ang aspeto ng gawaing ito ay gawa raw ng matalas at malikhaing pagkilos. Nalaman
nila na ang mga langgam kapag pinawalan sa patag na kalupaan ay nagsisimulang
maghanap ng distansiya mula sa kanilang lungga.
5. Ipinakikita nito na ang mga langgam ay may kakaibang uri ng odometer na nagtatala
sa distansya ng lupa, imbes na ang kabuuang distansiya na nalakbay sa taas-
babang terrain
3