Answer:
Isa sa mga pangunahing dahilan ng implasyon ay ang pagtaas ng singil ng mga bahay-kalakal sa kanilang mga produkto. Maaring dahil ito sa pagtaas ng mga salik ng produksyon. Halimbawa, maaring tumaas ang sahod ng mga manggagawa na siya namang ipapasa ng mga bahay-kalakal sa sambahayan sa pamamagitan ng pagtaas ng presyo. Isa pang halimbawa ng salik ng produksyon ay mga likas na yaman na ginagamit sa paggawa ng mga produkto tulad ng langis. Kapag tumaas ang presiyo ng langis, tataas din ang presiyo ng mga bilihin.
Isa pang dahilan ng implasyon ay ang pagtaas ng demand sa mga produkto. Dahil alam ng bahay-kalakal na mataas ang demand sa isang produkto, maari pa silang gumawa nito na siyang magtatas ng suplay at demand ng produkto. Nang lumaon, hindi na makasabay ang suplay sa pagtaas. Tataas ang demand kaya tataas ang presiyo ng mga produkto at serbisyo.
Explanation:
I Hope It Helps