Isulat sa inilaang patlang ang salitang Tama kung tama ang isinasaad ng
pahayag at
Mali naman kung mali ang isinasaad nito.
7
______1.Ang katotohanan ay nais patunayan sa tekstong argumentatibo sa
pamamagitan ng paggamit sa mga nakalap na datos.
______2.Sa kaugnay na karanasan maaaring pasubalian ang mga ebidensyang
pangkasaysayan.
______3.Ang pamanahong papel at tesis ay halimbawa ng empirikal na
pananaliksik.
______4.Layunin ng tekstong argumentatibo na hikayatin ang mga mambabasa na
tanggapin ang kawastuhan mula sa pananalig ng manunulat.
______5.Ang pakikipagpanayam ay isang paraan upang makakalap ng datos na
kailangang may kaugnay sa paksang tinalakay.
______6.Naglalahad ang tekstong argumentatibo ng mga hakbang sa pagsasagawa
ng isang bagay.
______7.Ang tekstong argumentatibo ay pakikipagdebate sa pasulat na
pamamaraan.
______8.Kinapupulutan
ang tekstong argumentatibo ng mga kabutihang asal,
mahalagang aral, at mga pagpapahalagang pangkatauhan tulad ng
pagiging mabuti at tapat.
______9.Nakapokus ang tekstong argumentatibo sa paglalarawan ng isang bagay,
tao, o lugar.
_____10.Inilalahad sa tekstong argumentatibo ang posisyon ng may
-akda na
suportado ng mga ebidensiya.
pakitulong plsss
15 points po ito
yung tama po na answer