Gawain 2:
Panuto: Basahin at suriin ang mga pahayag na nagpapakita sa mga epekto ng
pananakop ng mga Kanluranin sa Asya. Isulat ang E kung ito ay sa Ekonomiya, P
kung Politikal, S/K kung ito ay sosyo-kultural. Isulat ang sagot bago ang bilang.
1. Nawalan ng karapatan ang mga Asyano na pamahalaan ang sariling bansa
2. Ang mga istilo ng pamumuhay ay iginaya sa mga Kanluranin
3. Pag-unlad ng sistema ng transportasyon at komunikasyon
4. Nagkaroon ng liberal na mga kaisipan
5. Nagpatayo ng mga paaralan
6. Maraming katutubo ang yumakap sa Kristiyanismo
7. Nailipat sa mga Kanluranin ang mga kayamanan sa Asya na dapat aypakinabangan ng
mga Asyano
8. Nagkaroon ng fixed boarder o takdang hangganan ang teritoryo ng bawat bansa
9. Nagtatag ng maayos at sentralisadong pamahalaan
10. Pagpapairal ng wikang Kanluranin bilang wikang panturo