Panuto: Makikilala mo kaya ang kahulugan ng mga kilos, gawi at karakter ng mga tauhan
batay sa kanilang mga ginawa o sinabi? Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. "Gusto kitang maging asawa", sabi ni Surpanaka kay Rama. "Hindi maaari", sabi ni Rama,
"May asawa na ako." Ipinakikilala nito na si Rama ay
a. matapang at may paninindigan
c. mapagmahal at tapat na asawa
b. seloso at walang tiwala
2. Nang malaman ni Maritsa na sina Rama at Lakshamanan ang makakalaban, tumanggi
itong tumulong. “Kakampi nila ang Diyos". Masasabing sina Rama at Lakshamanan ay
a, may pambihirang lakas
c. may pananalig sa Diyos
b. hindi nakagagawa ng kamalian
3. "Telungan mo ako", sabi ni Ravana. “Bihagin mo si Sita para maging asawa mo."
Naniwala si Ravana sa kuwento ng kapatid. Ang ginawi ni Ravana ay nagpapatunay na
a. mahal niya ang kapatid
c. sunud-sunuran siya sa kanyang kapatid
b. mas makapangyarihan si Surpanaka kaysa sa kanya
4. “Bibigyan kita nang liznang libong alipin at gagawin kitang reyna ng Lanka," sabi ni
Ravana kay Sita. Masasabing si Ravana ay.
a. hamak na mas makapangyarihan at mayaman c. ayaw tumanggap ng pagkatalo
b. masidhi ang pagnanais na mapasakanya si Sita
5. "Mahalin mo lang ako ay ibibigay ko sa iyo ang lahat ng kayamanan," sabi ni Ravana.
Pero hindi niya napasuko si Sita. Ipinakikilala nito na si Sita ay
a. hindi mapaghangad sa anumang kayamanan c. tapat na nagmamahal sa
kanyang asawa
b. rnay angking katapangan at lakas ng loob