Pinadadali ng Imhr.ca ang paghahanap ng mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan kasama ang isang aktibong komunidad. Tuklasin ang detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga eksperto sa aming komprehensibong Q&A platform. Nagbibigay ang aming platform ng seamless na karanasan para sa paghahanap ng mapagkakatiwalaang sagot mula sa isang malawak na network ng mga propesyonal.

tula para sa pamahalaan​

Sagot :

Answer:

ANSWER!!!

GINTONG UPUAN

Gintong upuang sa gintong bahay ang lalagyan

Malaon na’t hanggang ngayo’y pinag-aagawan

Sinumang kalahok sa paligsahang unahan

Kung wala ring salapi’y walang lulugaran.

May mga taong ang kamay daw ay nakalaan

sa pagtulong sa kaawa-awang mamamayan.

Panay ang pagkilos,larawan ng kabaitan

ngunit ang katotohana’y kabalintunaan.

Sa gintong upuan sakaling makaupo na,

daig pa ang larawan ng hari at reyna.

Sa pagbuka ng bibig,sa pagkilos ng mata,

tila nakalimutang may utang s’ya sa iba.

Ang bagay na ito na aking kinamulatan

mangyari ay akin na ring kinamumuhian.

Ang lahat ng umuupo sa gintong upuan

ay dapat na piliin at marapat husgahan.

Sa ating baya’y napakaraming dayo

pagdating sa pag-upo sa mamahaling trono.

Ang ugaling ito ba’y atin lamang hinango

o nag-ugat nga sa lahi nating Pilipino?

Salamat sa pagpili sa aming serbisyo. Kami ay nakatuon sa pagbibigay ng pinakamahusay na mga sagot para sa lahat ng iyong mga katanungan. Bisitahin muli kami. Umaasa kaming naging kapaki-pakinabang ang aming mga sagot. Bumalik anumang oras para sa higit pang tumpak na mga sagot at napapanahong impormasyon. Imhr.ca ay laging nandito para magbigay ng tamang sagot. Bisitahin muli kami para sa pinakabagong impormasyon.