mawala
Magdudulot ito ng pagbagal ng ekonomiya, liliit ang pangkalahatang kita na pagpigil sa
pagtaas ng presyo ng mga bilihin at makokontrol ang implasyon. Ganito rin ang
sitwasyon na maaaring mangyari kapag nagtaas ang pamahalaan ng buwis. Mapipilitan
ang mga manggagawa na magbawas ng kanilang gastusin sa pagkonsumo dahil bahagi
ng kanilang kita ay mapupunta sa buwis na kukunin ng pamahalaan na makaaapekto
sa kabuuang demand sa pamilihan. Ito ang dalawang paraan sa ilalim ng patakarang
piskal ng pamahalaan upang maibalik sa normal na direksiyon ang ekonomiya
MGA GAWAIN SA PAGKATUTO
GAWAIN 1. TAMA O MALI
A Panuto: Isulat sa patlang bago ang bilang kung TAMA O MALI ang tinutukoy ng
pahayag.
1. Ang patakarang piskal ay tumutukoy sa pagbubuwis at paggasta ng
pamahalaan sa pagpapatakbo ng ekonomiya.
2. May dalawang pamamaraan ang patakarang piskal-ang patakarang
nauugnay sa pananalapi at ang patakaran sa paggastos ng pamahalaan.
3. Ayon kay John Maynard Keynes hindi dapat makialam ang pamahalaan sa
mga desisyong nauukol sa patakarang piskal.
4. Ang patakarang piskal ang pangunahing inaasahan ng pambansang
pamahalaan upang makapaghatid ng pampublikong paglilingkod.
5. Ang pamahalaan ay bumubuo ng mga polisiya upang mapasigla ang
ekonomiya