Magkakaroon sila ng pagsusulit kinabukasan. Nais ni Julius na
umuwi na upang makapaghanda siya sa pagsusulit. Ngunit tinawag siya ng
pamilyar na tinig mula sa gate ng paaralan.
"Halika Julius, maglaro tayo ng League of Legend diyan sa malapit na
computer shop,” wika ni Bogart sa masayang tinig.
"Hindi ba may pagsusulit bukas? Dapat tayong maghanda upang may
maisagot tayo," sagot naman ni Julius.
“Palagi ka na lang aral nang aral, Julius,” wika ni Bogart na halatang
iritable, "hindi mo na ako sinasamahan sa paglalaro tuwing matatapos ang
klase, naiinis na ako sa iyo.” At naglakad papalayo si Bogart patungo sa
computer shop.
Nainis si Julius na sumunod upang samahan na ang kaibigan at
mawala ang pagkainis nito sa kanya, subalit naisip niyang hindi tama ang
kaniyang gagawin dahil sa pagsusulit bukas.
Kinabukasan, pareho silang pumasok at kumuha ng pagsusulit.
Madaling nasagutan ni Julius ang mga tanong sa pagsusulit. Kunot-noo
namang nag-iisip si Bogart ng isasagot at tila hindi sigurado sa mga
naisulat niya. Naisip ni Julius na tama ang naging desisyon niya.
1.ano ang ikinainis ni bogart kay Julius?
2.bakit hindi sinundan ni Julius si bogart sa computer shop?