1. Ang paglalaan ng 15 minuto bawat araw na magtuon sa mga bagay na pinasasalamatan ay
nakapagdaragdag ng likas na antibodies na responsable sa pagsugpo sa mga bacteria sa
katawan
2. Ang mga likas na mapagpasalamat na tao ay mas pokus ang kaisipan at may mababang
pagkakataon na magkaroon ng depresyon.
3. Ang pagiging mapagpasalamat ay naghihikayat upang maging maayos ang sistema ng katawan
sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mas malusog na presyon ng dugo at pulse rate.
4. Nagiging mas malusog ang pangangatawan at mas mahusay sa mga gawain ang mga
mapagpasalamat na tao kaysa sa mga hindi.
5. Ang mga benepaktor ng mga donated organ na may saloobin pasasalamat ay mas mabilis
gumaling
Tunay ngang nakapagpapabago sa ugali at pananaw sa buhay ng taong marunong tumanaw ng
utang na loob o magpasalamat sa biyaya o tulong na natatanggap. Napagtutuunan niya ng pansin ang
mga magagandang nararanasan na nagiging dahilan upang magpatuloy siya sa buhay (ESP 8 LMP
244-248) )
Gawain
Panuto: Punan ang tsart batay sa nabasang mga sitwasyon.
Bilang ng
Sasyon
Pangunahing
Tauhan
Sitwasyong
Kinakaharap
Paano
Nalampasan
Paano ipinakita
ang birtud ng
pasasalamat