I.
Alamin kung ano ang tinutukoy sa bawat aytem. Isulat ang titik ng tamang sagot.
A. Buwis
B. Contractionary Fiscal Policy
C. Expansionary Fiscal Policy
D. Pambansang Badyet
E. Patakarang Piskal
F. Current Operating Expenditures
G. Net Lending
H. Capital Outlays
I. Direct Tax
J. Indirect Tax
1. Ang pagkontrol ng pamahalaan upang mapatatag ang pambansang ekonomiya.
2. Ginagawa ito upang isulong ang ekonomiya. Kabilang dito ang pamumuhunan ng pamahalaan at
pagbabawas sa ibinabayad na buwis.
3. Layunin nito na bawasan ang sobrang kasiglahan ng ekonomiya.
4. Ang salapi na ibinabawas ng pamahalaan sa kita ng bawat mamamayan.
5. Isang plano kung paano tutugunan ng pamahalaan ang mga gastusin nito.
6. Buwis na tuwirang ipinapataw sa mga indibidawal o bahay-kalakal.
7. Nakalaang halaga para sa pagbili ng mga produkto at serbisyo upang maayos na maisagawa ang
mga gawaing pampamahalaan sa loob ng isang taon.
8. Paunang bayad ng gobyerno para sa mga utang nito. .
9. Panustos ng pamahalaan para sa pagbili ng mga produkto o serbisyo.
10. Buwis na ipinapataw sa mga kalakal at paglilingkod kaya hindi tuwirang ipinapataw sa mga
indibidwal.