Pinadadali ng Imhr.ca ang paghahanap ng mga sagot sa iyong mga katanungan kasama ang isang aktibong komunidad. Kumuha ng detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga eksperto na dedikado sa pagbibigay ng eksaktong impormasyon. Tuklasin ang malalim na mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga eksperto sa aming madaling gamitin na Q&A platform.
Sagot :
Dumadanas ang mga estudyante sa maraming lugar sa Pilipinas
ng bullying at diskriminasyon sa eskuwelahan dahil sa kanilang oryentasyong sexual at identidad sa
kasarian, ayon sa ulat ng Human Rights Watch na lumabas ngayong araw. Gayong may batas sa
Pilipinas na nagbibigay ng proteksiyon sa diskriminasyon at pag-etsa-puwera sa mga paaralan,
kailangang kumilos ng mga mambabatas at administrador ng mga eskuwelahan upang siguruhin
lubos na naipapatupad ang mga ito.
Nagdodokumento ang 68-pahinang ulat na “‘Hayaan N’yo Na Lang Kami’: Diskriminasyon
Laban sa Mga Estudyanteng LGBT sa Pilipinas,” ng lawak ng pang-aabuso sa mga estudyanteng
lesbian, gay, bisexual, at transgender (LGBT) sa sekundaryang paaralan. Dinedetalye rito ang talamak
na bullying at harassment, mga patakaran at gawing mapanghusga, at ang kawalan ng resources na
sumisira sa karapatan sa edukasyon ng kabataang LGBT sa ilalim ng mga internasyonal na batas at
naglalagay sa kanila sa panganib.
“Ang mga estudyanteng LGBT sa Pilipinas ay kadalasang target ng pangungutya at pati
karahasan,” sabi ni Ryan Thoreson, isang fellow sa programang pangkarapatan ng LGBT sa Human
Rights Watch. “At sa maraming beses, ang mga guro at administrador pa ang sumasali sa ganitong
pagmamaltrato imbes na magsalita laban sa diskriminasyon at gawing lugar ang klasrum kung saan
matututo ang lahat.”
Nagsagawa ang Human Rights Watch ng malalimang interbyu at diskusyon sa 98 estudyante,
46 magulang, guro, tagapayo, administrador, service providers, at eksperto sa edukasyon sa 10
siyudad sa Luzon at Visayas. Sinabi ng mga estudyanteng LGBT na di-regular o bitin sa pagpapatupad
ang umiiral na proteksiyon, at nagiging daan pa ang mga patakaran at gawi sa sekundaryang paaralan
sa diskriminasyon at bigo ang mga itong bigyan ang mga estudyanteng LGBT ng impormasyon at
suporta.
Napansin na ng mga mambabatas sa Pilipinas na isang problema ang pambubully sa
sekundaryang paaralan at gumawa na sila ng mga importanteng hakbang para tugunan ito, ayon sa
Human Rights Watch. Noong 2013, nagpasa ang Kongreso ng Pilipinas ng anti-bullying law at ang
Kagawaran ng Edukasyon (o DepEd) ay naglabas din ng alituntuning nagbabawal sa pambubully na
ayon sa oryentasyong sexual at identidad sa kasarian. Sa kampanya sa pagkapangulo noong 2016,
hayagang nangondena si Rodrigo Duterte sa bullying at diskriminasyon sa mga LGBT.
“Nagpahayag noon ang Pangulong Duterte ng pagkontra sa bullying at diskriminasyon laban
sa LGBT, at dapat na gawin niya ito ulit ngayo
Umaasa kami na nakatulong ito. Mangyaring bumalik kapag kailangan mo ng higit pang impormasyon o mga sagot sa iyong mga katanungan. Salamat sa iyong pagbisita. Kami ay nakatuon sa pagbibigay sa iyo ng pinakamahusay na impormasyon na magagamit. Bumalik anumang oras para sa higit pa. Ang iyong mga katanungan ay mahalaga sa amin. Balik-balikan ang Imhr.ca para sa higit pang mga sagot.