Tinutulungan ka ng Imhr.ca na makahanap ng maaasahang mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan mula sa mga eksperto. Sumali sa aming Q&A platform upang makakuha ng eksaktong sagot mula sa mga eksperto sa iba't ibang larangan at mapalawak ang iyong kaalaman. Kumonekta sa isang komunidad ng mga propesyonal na handang tumulong sa iyo na makahanap ng eksaktong solusyon sa iyong mga tanong nang mabilis at mahusay.

ano-ano ang ginawa ng mga pamahalaang aquino at ramos upang maitaas ang antas ng ekonomiya ng pilipinas​

Sagot :

Sa pamahalaang Aquino, dumami ang mamumuhunan sa iba’t ibang sektor ng gobyerno na nagbibigay ng serbisyo at trabaho sa taumbayan.Ayon sa datos ng pamahalaan, bumaba ang bilang ng walang trabaho at ng mga nagugutom, tumaas ang bilang ng nabibigyan ng tulong pampinansyal sa pamamagitan ng Conditional Cash Transfer Program, at sinasaklawan ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth.

Ngunit hindi naisakatuparan ang minimithing rice self-sufficiency, malaki naman ang itinaas ng ani ng palay sa bansa sa mga proyektong isinagawa ng kagawaran ng agrikultura.Naniniwala rin ang Administrasyong Aquino na maitataas ang antas ng edukasyon sa bansa sa pagpapatupad ng K to 12 Program. Kung susuriin nga, matapos ang Marcos Regime, sa pamahalaan ni Pangulong Aquino lang nakita ang bunga ng AFP Modernization Program.

Tulad ng mga pangulong kanyang sinundan, marami rin ang mga kritisismong kaniyang tinanggap pati ang pagkwestyon sa mabagal daw niyang aksyon sa mga problema ng bansa, tinuligsa rin si Aquino sa kakulangan daw ng pagbibigay ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda.Ayon kay Ramos, sa kanyang State of the Nation Address noong July 27, 1992, humiling siya sa Kongreso na lumikha ng batas na magtatatag ng isang Kagawaran ng Enerhiya.,labis pa riyan ang kaniyang nakuha, pinagkalooban siya ng Kongreso ng dagdag na kapangyarihan upang magbigay-lunas ang energy crisis sa bansa.Ginamit ni FVR ang kapangyarihang ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng lisensya sa mga independiyenteng kumpanyang lumilikha ng kuryente upang makapagpatayo ang mga ito ng dagdag na power plants sa loob ng dalawang taon.Upang makapanghikayat ng mamumumuhunan at magdagdagan ang serbisyong pampubliko ng gobyerno, inilunsad ng Pamahalaan ang sistemang Build-Operate-Transfer o BOT Scheme,inanyayahan ang mga negosyanteng magtayo ng isang istrakturang sa mga nakaraang administrasyon, gobyerno ang inaasahang magsagawa, tulad na lamang ng mga tollways, power plants at mass transport systems.Ang unang taon ng panunungkulan ni Pangulong Ramos ay naging maganda, naging tahimik ang mundo ng pulitika at nagkaroon ng positibong pagbabago ang pagbibigay ng mga pangunahing serbisyo sa publiko.Naging aktibo si Ramos sa administration sa usaping pangkapayapaan sa pamamaraan ng isang kasunduan sa Moro National Liberation Front o MNLF na pinamumunuan ni Nur Misuari, ipinaglaban ang ating karapatan sa teritoryong pinag-aagawan sa West Philippine Sea.Nang madiskubre ng ating Sandatahan Lakas ang isang istrakturang itinayo ng mga Tsino sa Half Moon Shoal na nasa loob ng ating 200-mile exclusive economic zone, agarang naghain ng pormal na protesta ang bansa sa International Court. Inutusan pa ni Ramos ang ating Hukbong Panghimpapawid na magpalipad ng limang F-5 Fighters na sinamahan pa ng apat na jet trainers at dalawang helicopters sa lugar ng kinakitaan ng istraktura upang magpakit ng pwersa.Ang pagkilos ni Ramos ay sinasabi ay lubhang mapanganib dahil maaaring naging mitsa ito ng digmaan sa West Philippine Sea.Naging maganda ang takbo ng bansa sa halos lahat ng aspeto nito, napigil ito nang dumanas ang Asya ng isang financial crisis noong 1997. Bilang epekto, mula sa mahigit 5% paglago ng ekonomiya noong 1997, bumagsak ito sa kalahating porsyento na lamang nang sumunod na taon. Marami rin ang nagsarang negosyo na nagresulta naman sa pagtaas ng unemployment rate sa bansa. dahil isa sa pinakamatatag ang stock market ng Pilipinas sa buong mundo noong kalagitnaan ng dekada nobenta, mas maliit ang naging epekto ng financial crisis sa ating bansa.Mas mabilis nakabangon ang Pilipinas sa krisis na ating dinanas at tinagurian pa ang Pilipinas bilang susunod na Economic Tiger ng Asya.