Answer:
Sa kanyang termino, literal niyang binuksan ang pinto ng Malakanyang sa publiko at matagumpay din niyang napanumbalik ang tiwala ng mga Pilipino sa Hukbong Sandatahan ng Bansa.
Bilang pagtupad sa kaniyang pangako noong panahon ng kanyang pangangampanya, binuo ni Presidente Magsaysay ang Presidential Complaints and Action Committee. Ang ahensyang ito ang naatasang duminig sa mga hinaing ng taumbayan at bigyan ito ng solusyon sa lalong madaling panahon.Sa kabuuan ng pagganap ng komite sa katungkulan nito, umaabot sa 60,000 kada taon ang nailalapit na hinaing dito. Sa bilang na yan, mahigit 30,000 ang nabigyan ng agarang kasagutan, habang ang mahigit 25,000 natitira pa na nangangailan ng espesyal na pagseserbisyo ay ginagawan naman ng solusyon ng mga ahensya ng gobyernong mas direktang makatutulong na maresolba ang naturang mga problema.