Panuto: Panoorin ang halimbawa ng dulang pantelebisyon sa link na makikita sa ibaba. Suriin ang elemento ng napanood na dulang pantelebisyon. Gawing gabay ang tanong sa bawat bilang.
NILALAMAN
1. Ano ang pangunahing kaisipan o mensaheng nais ipaabot ng napanood na bidyo?
DIYALOGO
2. Madali mo bang naunawaan ang diyalogo ng mga tauhan sa palabas? Paano mo mailalarawan ang gamit na wika at paraan ng pagbigkas ng mga tauhan sa napakinggang diyalogo?
TAUHAN
3. Mahusay bang nagampanan ng mga aktor ang papel na ginagampanan sa napanood? Pangatwiranan.
DISENYONG PAMPRODUKSYON
4. Naaangkop ba ang tagpuan, make- up, kasuotan at iba pang kagamitan upang maipakitang makatotohanan ang setting ng palabas? Patunayan.
DISENYONG PAMPRODUKSYON
5. Naaangkop ba ang tunog at musika sa napanood upang mapalitaw ang kahulugan ng bawat tagpo sa palabas? Ipaliwanag.
SINEMATOGRAPIYA
6. Maayos bang naipakita ang mahahalagang tagpo sa palabas gamit ang tamang timpla ng ilaw, komposisyon at anggulo ng kamera? Patunayan.
DIREKSYON
7. Mahusay bang napagsama-sama ng direktor ang iba’t ibang elemento sa pagtatanghal ng dulang pantelebisyon? Pangatwiranan.