Panuto:
Naranasan mo na bang magpasalamat? Paano mo ipinakita ang iyong pasasalamat? Basahin ang talataan at kilalanin ang mga tauhan.
SALAMAT
Sa daigdig na ito ay marami tayong dapat pasalamatan. Sa klase ni Bb. Luna ay iginuhit ng mga mag-aaral ang nais silang pasalamatan. May gumuhit ng dyip, kotse, aso, bahay, telebisyon, bentilador at larawan ng mga magulang at kapatid.
Samantala, kaiba nga ang iginuhit ng batang si JV. Iyon ang Kamay. Nang tanungin ng mga kaeskwela, kung bakit niya pinasalamatan ang kamay, ay hindi agad nakakibo si JV. Kaya nag-isipang kanyang mga kamag-aral.
Nang magrises, naglabasan ang mga bata mula sa kwarto upang magsipagmeryenda sa kantina. Naiwang nag-iisa ang batang si JV. Nilapitan iyon ng titser at kinausap. “JV, bakit ka nagdrowing ng kamay? Kanino ba iyon?” “Iyon po ang kamay ninyo, Ma’am, na lagi pong tumutulong sa akin.”
Biglang-bigla, tumulo ang luha ng titser na si Bb. Luna. Kasi ang batang si JV ay lumpo pati kanang kamay ay may diperensya. Lahat halos ng galaw nito ay inaaalayan ni Bb. Luna. Pati ang pagsulat ng kanang kamay ni JV na may diperensya, inaalalayan iyon ni Bb. Luna, hanggang sa ang bata ay natutong
sumulat.
“Ma’am, salamat po sa inyong kamay! Nakangiting sabi ng batang si JV.
Ipaliwanag.
Sa iyong binasang kwento, anong kaugalian o katangian ang ipinakita ng mga tauhan.
1. “Iyon po ang kamay ninyo, Ma’am, na lagi pong tumutulong sa
akin.” Sa sinabi ni JV, anong katangian ang kanyang ipinakita?
2. Lahat halos ng galaw ni JV ay inaalalayan ni Bb. Luna. Sa ginawa
ni Bb. Luna, anong katangian ang kanyang ipinakita?