FILIPINO 6
QUARTER 3 MODULE 4
IKATLONG BAHAGI-PANAPOS NA GAWAIN
A. Panuto: Itala ang mga impormasyong hinihingi ng nakalarawang balangkas sa ibaba
matapos basahin ang talata. (6 puntos)
Ating Tuklasin, COVID-19 ni:
Vilma S. Tablatin
COVID-19... Ang salitang bukambibig ng mga tao sa aming munting baryo. Isang
bagong sakit na nagsimula sa isang maliit na bayan sa Wuhan, China na kumalat sa buong
mundo kabilang na sa ating bansa.
Ayon sa mga eksperto, ang Coronavirus 2019 (COVID-19) ay isang sakit sa
palahingahan na sanhi ng bagong virus na naipapasa sa pamamagitan ng pag-ubo at pagbahing
Maaaring mahawa sa virus kapag hinawakan ang mata, ilong, at bibig pagkatapos hawakan ang
mga bagay na may virus na.
Ilan sa mga sintomas ng taong may СOVID-19 ay nananakit ang lalamunan, nilalagnat,
inuubo at nahihirapang huminga.
hindi
Sa ngayon, may bakuna na kontra sa sakit ngunit hanggang sa mga sandaling ito ay
pa inilalabas sa merkado kaya naman ibayong pag-iingat pa rin ang ating kailangan. Upang
maprotektahan ang ating sarili, pamilya, at ang komunidad, kailangan nating isagawa ang
mga sumusunod: panatilihin ang isang metrong layo mula sa ibang tao kung nasa labas ng
bahay, magsuot ng facemask o telang panakip sa mukha kapag pumupunta sa matataong lugar,
palaging maghugas ng kamay gamit ang tubig at sabon na tumatagal ng 20 segundo, at linisin
at i-disinfect ang mga bagay na madalas hinahawakan. Kung ikaw naman ay may sakit, manatili
sa loob ng bahay at magtakip ng bibig tuwing umuubo o bumabahing
I. Paraan ng Pagpasa
A
В.
II. Mga Sintomas
A
В.