Makakuha ng pinakamahusay na mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang mapagkakatiwalaang Q&A platform. Kumuha ng agarang sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga bihasang propesyonal sa aming Q&A platform. Maranasan ang kaginhawaan ng paghahanap ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa mga bihasang propesyonal sa aming platform.
Sagot :
Answer:
El Filibusterismo Kabanata 10: Kayamanan at Karalitaan
1. Kayamanan at Karalitaan Kabanata 10
2. Talasalitaan Kayamanan > pag-aari; mga mahalagang bagay na naipon o naitago; bagay na mataas ang halaga; pagkaingat- ingatan; Karalitaan > kahirapan; dalita; sakuna; bigkis Indulgencia > utang na loob
3. Umaalipusta >nanglalait Sumilakbo >biglang pagramdam; biglang paglabas Mahalughog >halungkatin; suriin mabuti Niyurakan >sinira
4. Mga Tauhan Kabesang Tales Simoun Kapitan Basilio Kapitana Tika (asawa ni Kapitan Basilio) Sinang (anak ni Kapitan Basilio) Manugang ni Kapitan Basilio (asawa ni Sinang) Hermana Penchang (manang na pinagsisilbihan ni Juli)
5. Tagpuan Sa tahanan ni Kabesang Tales sa Sapang, pagitan ng mga bayang San Diego at Tiyani
6. Buod Pagkatapos ng masamang pangyayari kay Tandang Selo.. Nakituloy si Simoun sa tahanan ni Kabesang Tales sa dahilang ito ang pinakamalaking bahay sa pagitan ng Sand Diego at Tiyani. Sa kanilang pag-uusap ay itinanong ni Simoun sa Kabesa ang lagay ng mga daan sa lugar na ito sapagkat inalok niya ang kanyang rebolber kay Kabesang Tales at sinabing pwede niya itong maging pantanggol laban sa mga tulisan. Umaabot ng 200 hakbang ang layo ng rebolber na ito ngunit tinanggihan muna ng Kabesa.
7. Dumating sa tahanan ay ang pamilya ni Kapitan Basilio na may dalang pera na naghahalagang 3,000 piso para sa mabibili nilang alahas mula kay Simoun. Naroon din si Hermana Penchang na planong bumili ng isang singsing na naipangako niya sa Birhen sa Antipolo kung saan nabanggit din ng manang ang pagbpapabasa niya ng aklat kay Juli. Naparoon ang mga tao para tignan at bumili ng mga alahas ni Simoun at kanya ng inilabas ang dalawang maleta na naglalaman ng iba’t-ibang alahas na may kanya-kanyang kasaysayan at uri.
8. Inilabas ni Simoun lahat ng kanyang alahas kung saan sa bawat hiyas, hikaw, kwintas at singsing ay manghang-mangha ang mga tao lalo na si Kapitan Basilio pagdating sa pinanggalingan ng mga ito. (Kung saan nabanggit ng dalawa na sayang at walang museo ang Pilipinas para itago ang mga makasaysayang gamit na pag-aari nito) Si Kapitana Tikaw ay bumili ng agnos na may maliit na bahagi ng batong kinadiinan ng ating Panginoong Hesukristo; Bumili naman ng isang pares ng hikaw si Sinang at si Kapitan Basilio ay kumuha ng kairel para sa alperes, pares ng hikaw para sa kura.
9. Tinanong ni Simoun kung hindi ba bibili ng alahas si Kabesang Tales ngunit wala itong pero, at nabanggit ni Sinang ang agnos ni Maria Clara na may brilyante at esmeralda. Dahil sa narinig ay ipinilit ni Simoun na bilhin ang agnos na ito kay Kabesang Tales kahit sa halagang 500 piso. Napag-isip ang kabesa. Ngunit nabanggit ni Hermana Penchang ang paghihirap ni Juli na ipaalila ang sarili huwang lang maisanla ang agnos na iyon kaya napahindi ang kabesa. Nagpaalam Si Kabesang Tales sa mga tao na lalabas muna ito para kausapin ang anak. Sa labas ay natanaw niya ang isang prayle at isang tao na nagsasaka na ngayon sa kanyang bukirin.
10. Nakita niyang nagtatawanan ang dalawang magkasama ng siya’y makita. Lalo na ng nakita ng isa sa dalawa ang ginawa ng kanyang asawa ( na nakita ang kanyang asawa na kasama ang ibang lalaki at pumasok sa isang silid) at pinagtawanan pa lalo ang kanyang pagkalalaki. Sumilakbo ang galit sa loob ni Kabesang Tales. Nalimot niya ang lahat, lumiko at tumungo ang landas na nilalakaran ng lalaki at prayle na patungo sa kanyang bukirin. Bumalik ng bahay si kabesang Tales. Sinabi kay Simoun na di niya nakausap ang anak.
11. Pag-gising ni Simoun ng umagang iyon ay wala na ang kanyang rebolber at si Kabesang Tales na nag-iwan ng sulat na humihingi ng paumahin sa pagkuha ng kanyang baril ngunit ipinagpapalit naman niya ito sa agnos ni Maria Clara. “At sa wakas ay natagpuan ko na rin ang aking hinahanap,” –Simoun Lalo pang sumigla si Simoun ng dakpin ng mga guwardiya sibil si Tandang Selo at ang balita na tatlo agad ang namatay kinagabihan na putol ang leeg at may buhangin ang bibig. Sa tabi ng isa sa tatlong bangkay ay may papel na kinasusulatan ng Tales na isinulat ng daliring isinawsaw sa
12. Paghahambing May mga pagkakataon ngayon na may mga tao paring walang nakukuhang hustisya sa mga masasamang nangyari sa kanilang buhay. Kaya maaring gustuhin nilang maghiganti para maipaglaban ang sa tingin nilang dapat noon ay natama na ngunit hindi sila nabigyan ng sapat na pansin para iresolba ito.
Explanation:
.
Pinahahalagahan namin ang iyong oras sa aming site. Huwag mag-atubiling bumalik kailanman mayroon kang mga karagdagang tanong o kailangan ng karagdagang paglilinaw. Umaasa kaming nahanap mo ang hinahanap mo. Huwag mag-atubiling bumalik sa amin para sa higit pang mga sagot at napapanahong impormasyon. Imhr.ca, ang iyong pinagkakatiwalaang site para sa mga sagot. Huwag kalimutang bumalik para sa higit pang impormasyon.