Makakuha ng mga solusyon sa iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang mabilis at tumpak na Q&A platform. Kumonekta sa isang komunidad ng mga eksperto na handang tumulong sa iyo na makahanap ng eksaktong solusyon sa iyong mga tanong nang mabilis at mahusay. Tuklasin ang detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga eksperto sa aming komprehensibong Q&A platform.
Sagot :
Answer:
. Epekto ng mga Samahang Kababaihan at ng mga Kalagayang Panlipunan sa Buhay ng Kababaihan Tungo sa Pagkakapantay-pantay, Pagkakataong Pang-ekonomiya at Karapatang Pampolitika MGA KILUSANG PANGKABABAIHAN Nakita ng mga kababaihan sa Asya ang kahalagahan ng pag-oorganisa upang maisulong ang kanilang interes at marinig ang kanilang mga boses. Sapagkat minsan na nilang naranasan ang iba’t ibang anyo ng pang-aapi at diskriminasyon sa lipunan at sa kanilang pamilya. Mahalaga ang pagkakaroon ng mga kilusang pangkababaihan sapagkat sila ang pangunahing tagapagtaguyod ng mga karapatan ng mga kababaihan. Alamin natin ang ilan sa mga kilusang ito sa ilang mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya. TIMOG ASYA INDIA Mababa ang katayuan sa lipunan ng kababaihan sa India.Subalit pagsapit ng ika-19 na siglo, naging aktibo ang mga kababaihan sa bansa sa paglahok sa mga kilusang nagtataguyod ng repormang panlipunan. Ang ilan sa mga kilusang naitatag ay ang Bharat Aslam ni Keshab Chunder Sen ng Bramo Samaj(1870); ang Arya Mahila Samaj na itinatag ni Pandita Ramabai at Justice Ranade(1880); Bharat Mahila Parishad(1905) at Anjuman-e-Khawatin-e-Islam na itinatag ni Amir-un-Nisa. Ang mga kilusang ito ay nakatulong sa kababaihan upang maisulong ang karapatan sa edukasyon. Ang Women’s Indian Association(1917) at ang National Council of Indian Women(1925) ay nangampanya sa mga mambabatas upang makapagdulot ng mga pagbabago sa pamumuhay ng karaniwang kababaihang Indian. Tinalakay ng All India Women’s Conference ang mga isyu sa paggawa, rekonstruksyon ng mga kanayunan, opyo, at batas ukol sa bata o maagang pagpapakasal. Noong 1851, ang mga unyon sa industriya ng tela ay nangampanya laban sa child labor. Binigyang pansin naman ng Indian Factory Act (1891) ang hindi makatuwirang bilang ng oras ng pagtatrabaho ng kababaihan. Binigyang pansin naman ng All Indian Coordination Committee ang mga isyu tulad ng benepisyo sa pagbubuntis, pantay na sahod at mga pasilidad ng day care. Nanguna si Sarojini Naidu sa paghimok sa mga kababaihang gumagawa at bumibili ng asin na huwag bayaran ang buwis bilang protesta sa pamahalaang English. Pinamunuan din niya ang Women’s India Association na mangampanya upang ang kababaihan ay mabigyan ng karapatang bomoto noong 1919. Noong 1950, ang karapatang bomoto ay iginawad sa kababaihan.
2. Ipinagbawal naman ng Factories Act ng 1948 ang pagtatrabaho ng kababaihan sa mga delikadong makinarya habang umaandar ang mga ito. Nagbigay r in ito ng wastong pasilidad na pangkalinisan, daycare, kompulsaryong maternity leave. Nagtalaga naman ang Mine’s Act of 1952 ng hiwalay na palikuran para sa lalaki at babae. Ginawang legal ng Hindu Marriage Act of 1955 ang diborsyo. Noong 1970, itinatag ang mga kilusan tulad ng Kilusang Shahada, Shramik Sangatana(1972), Self-Employed Women’s Association(1972), ang United Women’s Anti-Price Rise Front(1973) at ang Nav Nirman(1974). Tinutulan ng mga kilusang nabanggit ang mga isyu gaya ng karahasan sa tahanan at di- makatarungang pagtaas ng presyo ng bilihin. PAKISTAN,SRI-LANKA at BANGLADESH Ang partisipasyon ng mga kababaihan sa Pakistan ay bunga ng pakikipaglaban sa mga mananakop bago ang 1947. Ang kababaihang Muslim ay naging aktibo sa paghingi ng pagbabago sa edukasyon. Pinamunuan sila ni Syed Ahmed Khan. Aktibo rin sila sa Kilusang Khilafat bilang pagsuporta kay Turkish Khilafat, na naging simbolo ng pagkakaisa ng mga Muslim. Gayundin, naging aktibo sila sa paghingi ng isang malayang Pakistan. Ang Pakistan ay may malakas na kilusan ng mga kababaihan na nakatulong upang ipagtanggol ang proseso ng demokrasya sa bansa. Sa panahon ng pamumuno ni ZulfiqarAli Bhutto(1971-1977), nagkaroon ng mga pagbabago sa pagtingin sa kababaihan. Sa pamamagitan ng 1973 Saligang- Batas, may mga probisyon ito na nagbigay ng pantay na karapatan sa kababaihan, kasama na rin ang paglalaan ng sampung posisyon para sa mga kababaihan sa National Assembly at sampung bahagdan(10%) sa Asembleang Panlalawigan. Ang kababaihan ay nahirang sa matataas na posisyon sa pamahalaan. Ang ilan sa mga samahang itinatag ng kababaihan sa gitnang bahagi ng 1970 na pinamunuan ng mga may pinag-aralan ay ang sumusunod:United Front for Women’s Rights(UFWR), ang Women’s Front, Aurat at Shirkat Gah na sa kalaunan ay naging instrumento sa pagkakaroon ng Women’s Action Forum. Sa paglipas ng mga taon, pinangalagaan nila ang mga karapatan ng mga kababaihan. Sila rin ang nakipag-usap sa mga pinuno ng pamahalaan at mga partidong pulitikal tungkol sa mga isyu ng kababaihan. Pagkatapos ng 1988 eleksyon, isinilang ng WAF ang kanilang Charter Demands, na kung saan ay inilahad nila ang isang komprehensibong programang politikal para sa mga kababaihan. Dahil sa impluwensiya ng WAF, ang Sindhian Tehrik, isang partido pulitikal sa Sindh ay nagtagumpay sa kanilang kampanya laban sa maagang pag-aasawa (child marriage) at poligamya, gayundin ang karapatan ng kababaihan sa pagpili at pagpayag sa mapapangasawa.
Pinahahalagahan namin ang iyong oras. Mangyaring bumalik anumang oras para sa pinakabagong impormasyon at mga sagot sa iyong mga tanong. Mahalaga sa amin ang iyong pagbisita. Huwag mag-atubiling bumalik para sa higit pang maaasahang mga sagot sa anumang mga tanong na mayroon ka. Maraming salamat sa paggamit ng Imhr.ca. Bumalik muli para sa karagdagang kaalaman mula sa aming mga eksperto.