Pinadadali ng Imhr.ca ang paghahanap ng mga sagot sa iyong mga katanungan kasama ang isang aktibong komunidad. Nagbibigay ang aming platform ng seamless na karanasan para sa paghahanap ng mapagkakatiwalaang sagot mula sa isang network ng mga bihasang propesyonal. Sumali sa aming Q&A platform upang kumonekta sa mga eksperto na dedikado sa pagbibigay ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong sa iba't ibang larangan.

ano ang tiyak na lokasyon ng asya?

Sagot :

Ang tiyak na lokasyon ng Asya  ay:

10 degree south hanggang 90 degree north latitude

11 degree hanggang 175 east longitude

Umaabot hanggang 164 degree longitude at 85 degree latitude

Ano ang Asya?

Ang Asya ay isa sa mga kontinente na may pinaka malaking bilang ng populasyon sa mundo. May sukat itong 44,579,000 square kilometers (17,212,000 sq mi). Ang populasyon nito ay halos 4.5 bilyon o 60% ng kabuuang populasyon ng buong mundo. Apatnapu’t walo ang mga bansa na nasa Asya.

  • Ang salitang Asya ay nagmula sa Asis (Aegean: maputik) at Asu (Semetic: pagsikat o liwanag)
  • Ito ang pinaka malaking kontinente sa daigdig.
  • Ito ay nahahati sa limang rehiyong heograpikal; Hilagang Asya, Silangang Asya, Timog Asya, Kanlurang Asya at Timog Silangang Asya.
  • Ito ang pinakamalaking lupalop sa buong mundo at tinaguriang isa sa pinagsibulan ng mga dakilang Kabihasnan.
  • Ang mga kilalang kabihasnan na nagmula sa Asya ay ang kabihasnang Tsina, India, Mesopotamia, Persia at kabihasnang Armaiko na may dalawang sangay-ang Israel at arabo.  
  • Dito matatagpuan ang Karagatang Indian, Dagat Timog Tsina (ang pinakamalaking dagat sa mundo), Karagatang Pasipiko at Karagatang Artiko.
  • Sa Asya nagsimula ang Hinduismo, Budismo, Kristiyano, Islam

Mga teritoryo ng mga bansa at rehiyon sa Asya:

Gitnang Asya

Kazakhstan, Kyrgyzstan, Tayikistan, Turkmenistan, at Uzbekistan.

Silangang Asya

China, Hong Kong, Macau, Japan, Hilagang Korea, Timog Korea, Taiwan, Mongolia.

Hilagang Asya

Rusya

Timog Silangang Asya

Myanmar, Thailand, Vietnam, Laos, Cambodia, Philippines, Indonesia, Malaysia, Brunei, Singapore, at Silangang Timor

Timog Asya

Pakistan, Bangladesh, Nepal, Bhutan, India, Sri Lanka, at Maldives.

Timog Kanlurang Asya

Afghanistan, Armenia, Azerbaijan, Bahrain, Cyprus, Gaza, Georgia, Iran, Iraq, Israel, Jordan, Kuwait, Lebanon, Oman, Qatar, Saudi Arabia, Syria, Turkey, United Arab Emirates, West Bank, at Yemen.

Uri ng Anyong Lupa ng Asya

1. Bulubundukin (hanay ng mga bundok)

2. Bundok

3. Talampas

4. Bulkan

5. Disyerto

6. Kapuluan o Arkipelago

7. Pulo

8. Tangway o Peninsula

9. Kapatagan

Uri ng Anyong Tubig sa Asya

1. Dagat

2. Ilog

3. Lawa

4. Kipot (Strait)

5. Golpo

6. Look (Bay)

Mga halimbawa na kilalang atraksyon ng turista sa Asya

Taj Mahal

Gyeongju Bulguksa Temple

Great Buddha of Kotokuin

Angkor Wat

Mt. Fujiyama

Great Wall of China

Forbidden City

Burj Khalifa

The Grand Palace

Phi Phi Islands

Petra

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa paksang ito, maaaring magpunta sa link na ito: Ano ang implikasyon ng pagkakaroon ng malawak na lupain ng asya? brainly.ph/question/1607497

#LearnWithBrainly