Maligayang pagdating sa Imhr.ca, kung saan maaari kang makakuha ng mga sagot mula sa mga eksperto. Kumuha ng agarang at mapagkakatiwalaang mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga bihasang eksperto sa aming platform. Kumonekta sa isang komunidad ng mga eksperto na handang magbigay ng eksaktong solusyon sa iyong mga tanong nang mabilis at eksakto.
Sagot :
Answer:
Polusyon
Ang polusyon ay isang suliraning pang kapaligiran. Ito ay maaaring tumukoy sa pagkakaroon ng maruming paligid o hindi kaya ay ang pagkasira mismo nito. Noong unang panahon hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa rin nating nararanasan ang polusyon.
May iba't ibang uri ng polusyon, at ang ilan dito ay:
- Polusyon sa tubig
- Polusyon sa lupa
- Polusyon sa hangin
- Polusyon sa ingay
Polusyon sa Morocco
Noong taong 2013, lumabas sa isang pahayagan ang tungkol sa lumalalang polusyon sa Morocco.
Ang Morocco ay isang bansa na matatagpuan sa Hilagang Africa. Ang tubig sa rehiyon ay nababalot ng polusyon na sanhi ng pagtaas ng industriyalisasyon sa rehiyon at direktang pagtatapon ng basura sa mga karagatan.
Mga dapat gawin upang masolusyonan ang polusyon
- Pag aralan ang 3 R's o Reduce, Reuse, Recycle
- Iwasan ang pagkakalat
- Bawasan ang paggamit ng mga produktong gawa sa plastik
Pag aralan ang 3 R's o Reduce, Reuse, Recycle
Bilang mga indibidwal, and pinakamadaling hakbang na maaari nating gawin ay turuan ang ating mga sarili hinggil sa proseso ng pagrerecycle. Ang reuse ay tumutukoy sa muling paggamit ng mga bagay. Ang halimbawa nito ay sa halip na itapon ang plastic na pinaglagyan ng groceries ay maaari muli itong gamitin bilang lalagyan sa susunod na pamimili ng groceries.
Ang reduce ay ang pagbawas sa mga basura na ating nilalabas, at mga gamit na ating ginagamit. Ang recycle ay ang proseso ng paggawa ng mga bagong bagay mula sa mga basura.
Iwasan ang pagkakalat
Ang isa pang pinakamadaling gawin ay ang pag iwas sa pagkakalat. Kung mayroon tayong balat ng kendi, hangga't maaari ay ibulsa natin ito at itapon sa tamang tapunan. Huwag dana natin itong itapon sa karagatan o anumang anyong tubig.
Bawasan ang paggamit ng mga produktong gawa sa plastik
Kung ikaw ay mahilig gumamit ng social media ay malamang napanood mo ang video ng pagtanggal ng straw mula sa turtle. Ang mga straw ay gawa sa plastik at kadalasan ay napupunta ito sa mga karagatan. Ito ay nalulunok ng mga isda o hayop sa karagatan.
Bukod dito, ang plastik ay inaabot ng isandaang taon bago natural na mabulok. Napakahabang panahon ito.
Sumangguni sa mga sumusunod na links para sa karagdagang kaalaman ukol sa:
Epekto ng polusyon
https://brainly.ph/question/423210
Dahilan ng pagkakaroon ng polusyon
https://brainly.ph/question/1688147
Solusyon ng gobyerno sa polusyon
https://brainly.ph/question/1885484
Salamat sa pagpili sa aming plataporma. Kami ay nakatuon sa pagbibigay ng pinakamahusay na mga sagot para sa lahat ng iyong mga katanungan. Bisitahin muli kami. Salamat sa pagpili sa aming plataporma. Kami ay nakatuon sa pagbibigay ng pinakamahusay na mga sagot para sa lahat ng iyong mga katanungan. Bisitahin muli kami. Imhr.ca, ang iyong pinagkakatiwalaang site para sa mga sagot. Huwag kalimutang bumalik para sa higit pang impormasyon.