Makakuha ng mabilis at tumpak na mga sagot sa iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang pinakamahusay na Q&A platform. Ang aming platform ay nag-uugnay sa iyo sa mga propesyonal na handang magbigay ng eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga katanungan. Tuklasin ang komprehensibong mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa mga bihasang propesyonal sa iba't ibang larangan sa aming platform.

magbigay ng 5 halimbawa sa paghahambing ng sawikain at salawikain?

Sagot :

Answer:

5 HALIMBAWA NG SAWIKAIN

  1. Usad-pagong - Mabagal
  2. Alog na ang baba - Matanda Kamay na bakal  
  3. Parang suman – masikip ang damit  
  4. Basang sisiw – kaawa-awa, inaapi.  
  5. Parehong kaliwa ang paa – hindi marunong sumayaw  

5 HALIMBAWA NG SALAWIKAIN

  1. Ang mabigat ay gumagaan kapag nagtutulungan.
  2. Kapag may isinuksok, may madudukot.
  3. Ang taong walang kibo ay nasa loob ang kulo.
  4. Kung may tinanim, may aanihin.
  5. Ang maniwala sa sabi-sabi, walang bait sarili.

PAGKAKAIBA NG SAWIKAIN AT SALAWIKAIN

Ang sawikain o idiyoma ay mga salitang patalinhagang karaniwang ginagamit sa araw-araw. Ito ay nagbibigay ng di-tiyak na kahulugan ng salitang isinasaad nito. Ito’y nagbibigay ng di tuwirang kahulugan o nababalutan nang higit na malalim na kahulugan.

Samantalang ang salawikain ay mga kasabihan o kawikaan na nagbibigay ng magagandang aral at gabay sa pamumuhay, sa asal, at sa pakikipagkapwa.  Ito ay isang tuntunin o kautusang kinilala at pinatibay ng isang karanasan. Ito rin ay nag-uugnay lalong-lalo na sa mga bagay at kapakanang maaaring mangyari na pwede nating gamitin sa totoong buhay.

IBA PANG HALIMBAWA NG SAWIKAIN

  1. Anak-dalita - mahirap
  2. Bukal sa loob - mabait
  3. Mahigpit na pamamalakad -- malupit
  4. Amoy ubas/Amoy tsiko - lasing
  5. Sariwa sa alaala - palaging naaalala, hindi makalimutan  
  6. Bakas ng kahapon - Nakaraan, alaala ng kahapon
  7. Namamangka sa dalawang ilog - Salawahan, nangangaliwa
  8. Namamayabas - Hindi nag-aaral nang mabuti.
  9. Hinahabol ng karayom – may sira ang damit
  10. Parang suman – masikip ang damit  

IBA PANG HALIMBAWA NG SALAWIKAIN

  1. Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy  
  2. Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit  
  3. Nasa tao ang gawa nasa Diyos ang awa  
  4. Lahat ng gubat ay may ahas  
  5. Kung ano ang puno, siya ang bunga
  6. Kung ano ang itinanim, ay siyang aanihin
  7. Kung may isinuksok, may madudukot
  8. Ang mabigat ay gumagaan kapag nagtutulungan.
  9. Ang taong walang kibo ay nasa loob ang kulo.
  10. Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.

Para sa karagdagan pang Kaalaman magtungo sa link na:

Pagkakaiba ng Salawikain, Sawikain at Kasabihan: https://brainly.ph/question/12284

#BetterWithBrainly

Pinahahalagahan namin ang iyong oras. Mangyaring bumalik anumang oras para sa pinakabagong impormasyon at mga sagot sa iyong mga tanong. Salamat sa pagpunta. Nagsusumikap kaming magbigay ng pinakamahusay na mga sagot para sa lahat ng iyong mga katanungan. Kita tayo muli sa susunod. Imhr.ca ay laging nandito para magbigay ng tamang sagot. Bisitahin muli kami para sa pinakabagong impormasyon.