Bilang isang pamilya ay may pananagutan at karapatan ang bawat miyembro o kasapi nito. Pangunahin na ang pananagutan at responsibilidad ng ama o padre de pamilya. Kinakailangan niyang paglaanan ng pinansyal na lingap ang kaniyang pamilya. Kasama na dito ang pananamit, pagkain, at pagsuporta sa edukasyon. Ang ina naman ng tahanan ay kinakailangang kakitaan ng pagsuporta sa ama gayundin sa pag-aalaga ng mga anak. At tungkulin din na mga magulang na turuan ng magandang asal at paggalang ang kanilang mga anak. At pagdating sa mga anak, nararapat din nilang sundin ang mga utos ng kanilang magulang para sa ikabubuti. At pati ang pagbutihin ang pag-aaral.
Sa pamamagitan nito ay magiging matagumpay ang isang buhay pampamilya. At magiging magaan ang pananagutan kung ang bawat isa dito ay ginagawa ng may pagkukusa ang kaninkanilang pananagutan. Makikita ang magandang resulta ng kaligayahan sa pagkakapit nito sa pang-araw-araw na buhay.