Suriin ang mga pahayag sa ibaba. Suriin kung ito ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagtatanggol ng mga
Pilipino laban sa kolonyalismong Espanyol. Lagyan
ng / ang mga pahayag na nagpapakita ng pagpapahalaga at
X kung hindi
1. Naging magkaibigan ang mga Kristiyano at Morong Pilipinong kalabanin ang mga Espanyol.
2. Nagdeklara ng jihad ang mga pangkat ng mga Muslim sa Mindanao sa pamumuno ni Sultan Kudarat.
3. Walang ginawa ang mga katutubong Pilipino laban sa kolonyalismong Espanyol.
4. Tumakas at tumira ang mga Pilipino sa malalayo at bulubunduking lugar upang hindi masakop sa mga
Espanyol
5. Hindi lumaban ang mga Pilipino laban sa mga Espanyol.
6. Pakikipaglaban ang isa sa mga naging reaksiyon ng mga Pilipino laban sa kolonyalismong Espanyol.
7. Nagkakaisa ang mga Pilipino na kalabanin ang kolonyalisismong Espanyol.
8. Pinagbuklod ang mga Pilipino ng iisang karanasan sa ilalim ng mga Espanyol na siyang gumising sa
kanilang damdaming makabayan.
9. Si Rajah Soliman ang pinuno ng Maynila na tumutol sa pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas na
pinamumunuan ni Legazpi.
10. Maraming mga katutubong Pilipino ang nangunguna sa pagtatanggol laban sa kolonyalismong
Espanyol sa Pilipinas.