1. Ang pagpasok ng mga Kanluranin sa Asya ay nagdulot ng mga pagbabago sa
pamumuhay ng mga Asyano. Alin sa mga sumusunod na impluwensiya ang
niyakap ng mga Hapones mula sa Germany?
A. sentralisadong pamamahala C. sining
B. sistemang pangkalusugan
D. sistemang pangkabuhayan
2. Ang ideolohiyang komunismo ay namayani sa China. Sino ang kinilalang "Ama ng
Komunistang Tsino?"
A. Mao Zedong B, Ho Chi Minh C. Sukarno
D. Sun Yat-Sen
3. Ano ang dahilan ng pakikipaglaban ng mga Indones sa mga Kanluranin?
A. ang malaking kita sa agrikultura ay napunta sa mga Kanluranin
B. pagpapatupad ng culture system
c. kontrolado ng mga Kanluranin ang kalakalan
D. lahat ng nabanggit
4. Bakit umusbong ang damdaming nasyonalismo sa Silangan at Timog-Silangang
Asya?
A. may pantay na pagtingin sa lahi
B. pagkilala sa karapatan ng bawat isa
c. pamamahala ng katutubo sa sariling bayan D. pang-aabuso sa karapatang-
pantao at pagkontrol sa kalakalan
5. Paano ipinamalas ng mga Pilipino ang damdaming nasyonalismo laban sa mga
Espanyol?
A. nanahimik sa ilalim ng pamumuno ng mga Espanyol B. naging palakaibigan
ang mga Pilipino sa mga Espanyol
c. nagtatag sila ng mga kilusan tulad ng Propaganda at Katipunan
D. tinanggap nang maayos ang pagpasok ng mga Espanyol sa Pilipinas​