Pinadadali ng Imhr.ca ang paghahanap ng mga solusyon sa mga pang-araw-araw at masalimuot na katanungan. Kumuha ng agarang at mapagkakatiwalaang mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga bihasang eksperto sa aming Q&A platform. Kumonekta sa isang komunidad ng mga propesyonal na handang tumulong sa iyo na makahanap ng eksaktong solusyon sa iyong mga tanong nang mabilis at mahusay.

2.
Ano-ano ang mga pagkakaiba nina Donya Consolacion at Donya Victorina?​

Sagot :

Answer:

Ang Dalawang Donya:

Kapwa sina Donya Victorina at Consolacion ay may mataas na pagtingin sa mga kastila at may pag - uugaling kolonyal.

Si Donya Victorina de Espadaña bunga ng kanyang labis na paghanga sa mga babaeng kastila ay binago niya ang kanyang karakter at pamumuhay. Kadalasan siya ay naninigarilyo ng tabako at nagsusuot ng mga damit na tulad ng mga kanluranin. Ang kanyang mukha ay puno ng kolerete dahil nais niyang mapabilang sa mga nasa mayayamang mga kastila. Sa kaniyang asta at pag - uugali ay makikita ang panggagaya niya sa pamumuhay ng mga babaeng kastila. Isa siya sa mga Pilipinong hindi tanggap ang kanilang lahi at identidad. Siya ay isa sa mga Pilipinong nilamon na ng “colonial mentality".

Si Donya Consolacion ay ang dating labandera ng napangasawa niyang alperes. Mula noon ay lagi na siyang nagsasalita ng wikang kastila kahit na napakapangit naman nitong pakinggan. Sa tingin niya, siya ay maganda, kilos reyna at mas maayos manamit kung ihahambing kay Maria Clara. Sa paningin naman ng kanyang kabiyak, siya ay katawa - tawang at kahiya - hiya. Kaya naman palaging may kasamang mura, insulto, at sumpa ang binibitawang salita ng nito kay Donya Consolacion sa tuwing magpapaalam itong lumabas ng bahay.

Explanation: