Payabungin Natin
Panuto: Basahin at unawain ang pangungusap. Salungguhitan ang
pang-abay. Bilugan ang inilalarawan o binibigyang-turing ng pang-abay
at itukoy ang uri nito. Gawin ang pagsasanay sa sagutang papel.
1. Maingat na isinulat ni Kathy ang mga tagubilin ng Inter-Agency Task
Force (IATF) laban sa Covid 19.
2. Dali-dali niyang kinausap ang mga magulang ng batang napahamak.
3. Ang mga damit ay tiniklop ni Marlon nang maayos.
4. Magkaroon ng gamot ang
taimtim na panalangin ng mga
mamamayang Pilipino.
5. Ang mag-anak ay tahimik na namumuhay sa lalawigan.
6. Manonood kami ng palabas sa darating na Lunes.
7. Magsisimula bukas ang pagbibigay ng vaccine sa mga mamamayang
Pilipino.
8. Hindi ka kasi sumusunod sa mga magulang mo kaya parati kang
napapagalitan
9. Nag-aaral si Mayang ng kanyang aralin gabi-gabi.
10. Ipinalabas kagabi sa telebisyon ang bagong vaccine para sa Covid-19.
11. Naliligo sa ilog ang grupo ng mga kababaihang taga Maynila.
12. Sa SM tayo magkita bukas.
13. Dahan-dahan kaming tumawid sa lumang tulay.
14. Sa Davao nakatira ang pangulo ng aming bansa.
15. Inilagay ko sa folder ang titulo ng bahay.