Ang Imhr.ca ang pinakamahusay na solusyon para sa mga naghahanap ng mabilis at tumpak na mga sagot sa kanilang mga katanungan. Sumali sa aming Q&A platform at kumonekta sa mga propesyonal na handang magbigay ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong. Kumuha ng detalyado at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa dedikadong komunidad ng mga eksperto sa aming Q&A platform.
Sagot :
Answer:
MGA ANYO NG PLAGIARISM
1. MINIMALISTIC PLAGIARISM
—Ito ay isang uri ng plagiarism kung saan ang mga ideya o konsepto na nakuha o nabasa mo mula sa kanilang sources ay kanilang ginamit pero sarili nilang salita o paraphrasing.
2. FULL PLAGIARISM
—Ito ay karaniwang tumutukoy sa inyong ginawa na parehong-pareho mula sa inyong pinagkunan. Bawat salita, parirala o talata ay gayang-gaya mula sa pinagkukunan.
3. PARTIAL PLAGIARISM
—Ito ay may dalawa o mahigit pa ang inyong pinagkukunan at kombinasyon ng mga ito ang kinalabasan ng inyong ginawa. Dito nangyayari ang rephrasing o pagbabago ng ilang salita.
4. SOURCE CITATION
—Ito ay tumutukoy sa uri ng plagiarism kung saan maaring binigay ang pangalan ng may-akda o pinagkunan pero hindi na madaling mahanap dahil kulang o hindi sapat ang impormasyon na binigay. Minsan naman ay mali ang ibinibigay na pinanggalingan ng impormasyon o pinagsasama ang ilang sariling sinulat sa akda ng iba. Ang isang ‘ghostwriter’ ang matatawag na isang ganap na ‘plagiarist’ dahil gawain nila ang sumulat ng mga sulatin na ginawa ng iba ang inaako na parang sila ang gumawa.
5. SELF-PLAGIARISM
—Ito ay isang uri ng plagiarism kung saan inilathala mo ang isang materyal na nalathala na pero sa ibang medium. Maaring sa iyong ginawang artikulo, libro, atbp., ay may katulad o sadyang ginaya at hindi mo tinukoy kung saan mo ito nakuha o ginaya. Ito ay kilala din bilang “recycling fraud”.
6. INTELLECTUAL PROPERTY LAW
—Ang Intellectual Property Law ay uri ng batas kung saan ang mga nag-imbentong mga manunulat, artist, atbp., ay binibigyan ng ‘exclusive property rights’ o sila ang kinikilalang nagmamay-ari ng kanilang ginawa. Dahil sa exclusive property rights na ito, hindi natin basta-bastang magagamit o makikita ang bagay na kanyang ginawa o naimbento hanggang hindi niya pinapayagan. Sa Lehislatura ng Pilipinas kinikilala ito bilang Republic Act No. 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines.
Explanation:
Salamat sa pagtitiwala sa amin sa iyong mga katanungan. Narito kami upang tulungan kang makahanap ng tumpak na mga sagot nang mabilis at mahusay. Salamat sa paggamit ng aming serbisyo. Lagi kaming narito upang magbigay ng tumpak at napapanahong mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan. Ipinagmamalaki naming sagutin ang iyong mga katanungan dito sa Imhr.ca. Huwag kalimutang bumalik para sa karagdagang kaalaman.