Gawain 2. Tukoy Mo Na?
Panuto: Suriin ang sumusunod na pangyayari mula sa akdang tinalakay. Piliin
mula sa Hanay B ang kaisipang lumutang sa mga pahayag sa Hanay A. Isulat
ang letra ng iyong sagot sa hiwalay na papel.
Hanay A
1. Naisip ni Hermana Penchang na kung ang
hikaw ay ihahandog niya sa Birhen sa
Antipolo, baka maipagkaloob sa kaniya ang
kahilingang mapasama ang kaniyang
pangalan sa isang himala upang manatili
siya sa alaala ng tao at pagkatapos ay
umakyat sa langit.
_2. Si Kabesang Tales ay handang gumugol
nang malaki at iwasan ang pakikipagkagalit
sa kura at sa pamahalaan.
3. Pagbabayad niya sa buwis ng mga
nakatalang pangalan ng mga namatay na o
lumipat na ng tirahan.
4. Kahit lugmok sa paghihikahos, malugod
niyang tinatanggap ang panauhin.
5. Nagbalak si Kabesang Tales na magpatayo
ng bahay na yari sa tabla at pag-aralin sa
Maynila sina Tano at Huli.
Hanay B
A.diyos
B.bayan
C.kapuwa-tao
D.magulang
E.sarili