Lagyan ng tsek () kung ang pahayag ay nagpapakita ng naging suliranin at hamon sa
ilalim ng Batas Militar at lagyan ng ekis (X) kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa
patlang bago ang bilang.
_____ 1. Ang Proklamasyon Blg. 889 -A noong 1971 o pagsuspindi ng karapatan sa writ of
habeas corpus ay ipinatupad sa buong bansa.
_____ 2. Dahil sa mga panlipunan at pang-ekonomiyang suliranin na kinaharap ng Pilipinas
naging madalas ang rali at demonstrasyon ng mga estudyante at manggagawa laban
sa pamahalaang Marcos.
_____ 3. Nagkaroon ng pagbabago sa pamamahala mula sa sistemang pampanguluhan ito ay
naging parliamentaryong pamahalaan.
_____ 4. Lumakas ang pwersa ng makakaliwang pangkat katulad ng NPA, CPP at ang pag-
usbong ng MNLF na layunin bumuo ng sariling estado para sa mga Muslim.
_____ 5. Ang pagpapahuli ng administrasyong Marcos sa mga politiko, kritiko at mga
komentarista sa radyo at telebisyon ay naging dahilan upang siya ay tuligsaan ng
kanyang mga kritiko.
_____ 6. Ang paglala ng suliranin sa katahimikan at kaayusan sa maraming lugar sa bansa ang
isa mga pangyayaring ginamit ni Pangulong Marcos upang ipatupad ang Batas
Militar.
_____ 7. Ipinatupad ang Atas ng Pangulo Bilang.86 ng 1972 upang palakasin ang pamunuan ng
barangay sa pamamagitan ng paglikha ng asembleya ng mga mamamayan na
pamumunuan ng isang Punong Barangay.
_____ 8. Ang pagbomba sa Plaza Miranda sa pagtitipon ng Partido Liberal noong 1972 ay
ikinasawi ng ilan sa mga dumalo ay ibinintang sa NPA.
_____ 9. Dahil sa pagpapatupad ng Batas Militar, ipinagbawal ang pagdaraos ng mga welga
at pampublikong pagpupulong.
_____ 10.Sinuspinde ang paglalabas ng mga pahayagan, programa sa radyo at telebisyon at
kinontrol ng pamahalaan ang pangngasiwa nito.
pa help po! tnks