Makakuha ng mabilis at tumpak na mga sagot sa iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang pinakamahusay na Q&A platform. Kumuha ng mga sagot mula sa mga eksperto nang mabilis at eksakto mula sa aming dedikadong komunidad ng mga propesyonal. Kumuha ng detalyado at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga eksperto sa aming komprehensibong Q&A platform.

sino si simon sa el filibusterismo?

Sagot :

Answer:

Simoun

Siya si Crisostomo Ibarra sa Noli Me Tangerena nagbalik makalipas ang sampung taon sa katauhan ng mag-aalahas na si Simoun. Ibang-iba sa katauhan dati niyang katauhan ang kanyang bagong karakter. Ang dating mahinahon, mapagtiwala sa kapwa, mabait, mapagpatawad, nagsusumamo sa pagpapahalaga sa katarungan at sa pagdinig ng pamahalaan ay naging mapusok, malupit, nawalan ng tiwala sa kapwa, hindi malilinlang, nagbuyo sa karahasan at naging matigas ang puso. Ang lahat ng ito ay dahil sa mga kasawiang dinanas niya sa kamay ng mga taong inaakala niyang may mabuting kalooban. Hayagan siyang pumanig sa kalupitan ang kabagsikan ng mga Kastila. Nakipagkaibigan siya sa mga maykapangyarihan, sinusulsulan ang mga iyon ng higit na kabagsikan at lalong pagpapahirap sa mamayan sa paniniwalang ito ay magiging daan upang matutong lumaban at ipagtanggol ng mga mamamayan ang kanilang sarili laban sa kaapihan. Gumuho ang mundo ni Simoun sa pagkamatay ni Maria Clara, gayong ang dahilan ng kanyang pagbabalikay upang ipaghaganti at iligtas si Maria Clara. Pinapakita ni Simoun ang mapusok at mapanghimagsik na bahagi ng katauhan ni Rizal, sa pamamagitan niya ay ipinakita ni Rizal ang mga posibilidad ng mga masalimuot na pangyayari sa panahon ng mga Kastila.

Explanation:

Hope it helps