Answer:
Ang kolonyalismo ay isang patakaran ng isang bansa na mamamahala ng mga sinakop upang magamit ang likas na yaman ng mga sinakop para sa sarilng interes. Habang ang imperyalismo naman ay nangangahulugan ng dominasyon ng isang makapangyarihang nasyon-estado sa aspektong pampolitika, pangkabuhayan, at kultura na pamumuhay ng mahina at maliit na nasyon-estado upang maging pandaigdigang makapangyarihan. Kaya ang pagkakaiba nila ay sa kolonyalismo ay sinasakop nila ang bansa para lang kumuha ng likas na yaman at pansariling interes. Pero sa imperyalismo ay hindi lang sila kumukuha ng likas na yaman kundi pinamumunuan nila ang bansang nasakop nila tulad sa kultura, pamumuhay at iba pa. Ang pagkakatulad naman nila ay naglalakbay sila sa iba't-ibang lugar para madiskubre nila kung ano ang meron sa lugar na iyon at kung mapakikinabangan ba nila iyon.