Makakuha ng mabilis at tumpak na mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang mapagkakatiwalaang Q&A platform. Maranasan ang kadalian ng paghahanap ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na komunidad ng mga eksperto. Tuklasin ang malalim na mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga eksperto sa aming madaling gamitin na Q&A platform.
Sagot :
Answer:
Mga Anyong Lupa
-> Ay binubuo ng isang heomorpolikal na yunit, at kadalasang nagkakaroon ng kahulugan sa kanyang anyo sa ibabaw at lokasyon sa tanawin, bilang bahagi ng kalupaan, at dahil sa katangiang iyon, kinakatawan ang isang elemento ng topograpiya. Kabilang din sa anyong lupa ang tanawing dagat at katangian ng mga bahagi ng tubig sa karagatan katulad ng look, tangway, dagat at iba pa, kabilang ang mga kalupaang nasa tubig, katulad ng bulubundukin at bulkang nakalubog, at malalaking palanggana ng karagatan na nasa ilalim ng manipis na tubig, para sa buong daigdig lalawigan at dominyo ito ng heolohiya.
Kapatagan — isang lugar kung saan walang pagtaas o pagbaba ng lupa, patag at pantay ang lupa rito. Maaaring itong taniman ng mga palay,mais,at gulay.
Bundok — isang pagtaas ng lupa sa daigdig, may matatarik na bahagi at hamak na mas mataas kaysa sa burol.
Bulkan — isang uri ng bundok sa daigdig na kung saan ang tunaw na bato ay maaaring lumabas dito mula sa kailaliman ng daigdig
Burol — higit na mas mababa ito kaysa sa bundok.
Lambak — isang kapatagan ngunit napaliligiran ng mga bundok. Marami ring mga produkto tulad ng gulay, tabako, mani, mais, at palay ang maaaring itanim dito.
Talampas — patag na anyong lupa sa mataas na lugar. Maganda ring taniman
Baybayin — bahagi ng lupa na malapit sa tabing dagat
Bulubundukin — matataas at matatarik na bundok na magkakadikit at sunud-sunod.
Pulo — mga lupain na napalilibutan ng tubig.
Yungib — mga likas na butas na may sapat na laki at lawak na maaaring pasukin ng tao at hayop.
Tangway — pahaba at nakausling anyong lupa na naliligiran ng tubig.
Tangos — mas maliit sa tangway.
Disyerto — mainit na anyong lupa
Anyong Tubig
> Ang anyong tubig ay kahit anumang makahulugang pag-ipon ng tubig, kadalasang tinatakpan ang Daigdig.
Karagatan -Ang karagatan ay ang pinakamalawak at pinakamalalim na anyong-tubig. Maalat ang tubig nito. (Kabilang sa mga kilalang karagatan ay ang Karagatang Pasipiko, Karagatang Atlantiko, Karagatang Indian, Karagatang Artiko, at ang Karagatang Southern.)
Dagat - Ang dagat ay malawak na anyong-tubig na mas maliit lamang ang sukat sa karagatan. Maalat ang tubig ng dagat sapagkat nakadugtong ito sa karagatan.
Ilog - isang mahaba at makipot na anyong tubig na umaagos patungong dagat. Nagmula ito sa maliit na sapa o itaas ng bundok o *burol.
Look - Ang look ay anyong-tubig na nagsisilbing daungan ng mga barko at iba pang sasakyang-pandagat. Maalat din ang tubig nito sapangkat nakadugtong ito sa dagat o sa karagatan.
Golpo - bahagi ito ng dagat.
Lawa - isang anyong tubig na napapaligiran ng lupa.
Bukal - tubig na nagmula sa ilalim ng lupa.
Kipot- makitid na daang-tubig na nag-uugnay sa dalawang malaking anyong tubig tulad ng dagat o karagatan. May kabuuang 200 ang kipot sa Pilipinas dahil sa pagiging arkipelago nito.
Talon - matarik na pagbaba ng tubig sa isang sapa
Batis - ilug-ilugan o saluysoy na patuloy na umaagos.
Sapa - anyong tubig na dumadaloy.
Salamat sa pagbisita. Ang aming layunin ay magbigay ng pinaka-tumpak na mga sagot para sa lahat ng iyong pangangailangan sa impormasyon. Bumalik kaagad. Umaasa kami na nakatulong ito. Mangyaring bumalik kapag kailangan mo ng higit pang impormasyon o mga sagot sa iyong mga katanungan. Ipinagmamalaki naming magbigay ng sagot dito sa Imhr.ca. Bisitahin muli kami para sa mas marami pang impormasyon.