I.
Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pahayag. Isulat sa kahon ang
TAMA kung tama at MALI kung hindi.
1. Karamihan sa mga Pilipino ngayon ay nakikibahagi sa
pagdiriwang ng pista.
2. Lahat ng mga lugar at kalye sa Pilipinas ay isinunod ang
pagpapangalan sa mga iba't ibang Santo at Santa.
3. Nahirapan ang mga Pilipino sa paggamit ng alpa, byulin
gitara kaya't nanatiling tambol ang gamit na
instrumento ng mga Pilipino.
4. Noong panahon ng mga Espanyol ang lahat ng mga
Pilipino ay nagkaroon ng pagkakataon na pumasok sa
paaralan anoman ang antas sa lipunan.
5. Likas sa mga Pilipino ang pagka-malikhain at husay
pagdating sa larangan ng musika.
6. Ang menudo, kaldereta, arrozcaldo, leche flan at
chicharon ay nanggaling sa mga Espanyol.
7. Ang panonood at paggalang sa kultural na pagtatanghal
ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa kultura ng mga
Pilipino.
8. Kristiyanismo lamang ang relihiyon ng mga Pilipino
ngayon.
9. Nananatili hanggang sa kasalukuyan ang mga uri ng
pananamit na dala sa atin ng mga Espanyol.
10.Ang mga naisulat sa panahon ng Espanyol ay may kinalaman sa
relihiyon.