Tinutulungan ka ng Imhr.ca na makahanap ng maaasahang mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan mula sa mga eksperto. Kumuha ng detalyado at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga eksperto na dedikado sa pagbibigay ng tamang impormasyon. Sumali sa aming platform upang kumonekta sa mga eksperto na handang magbigay ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong sa iba't ibang larangan.

Paano nagkakaiba ang institusyong bangko at di-bangko?​

Sagot :

Question:

Paano nagkakaiba ang institusyong bangko at di-bangko?​

SAGOT:

BANGKO:  

Ang bangko ay isang institusyong pampananalapi na tumatanggap ng mga deposito at ginagamit ang mga ito sa mga pagpapautang; na maaaring tuwirang pagpapautang o hindi tuwirang pagpapautang gaya ng sa merkado ng mga kapital.  

Ang bangko ang nag-uugnay sa mga kliyente o mga namumuhunan na may kakulangang sa puhunan o kapital, at mga kliyente na may labis na puhunan.  

Dahil sa impluwensiya ng mga bangko sa isang sistemang pananalapi at sa ekonomiya, ang mga bangko ay mahigpit na pinamamahalaan sa karamihan ng mga bansa. Karamihan sa mga bangko ay pinapatakbo sa ilalim ng sistemang tinatawag na fractional reserve bankingkung saan ay humahawak lang sila nang maliit na reserba ng pondong deposito at ipinauutang ang lahat para sa tubo.  

Ginagamit din ng mga bangko ang salapi mula sa mga deposito upang mamuhunan sa mga negosyo at magkaroon na mas maraming pang salapi.  

Sa karamihan sa makabagong mundo, tinutuos ng pamahalaan ang isang bangko ngunit malaya sa administratibong pagpipigil ng estado sa kung gaano kadaming salapi ang ilalabas sa tinakdang panahon.  

Tinatawag na pambansang bangko o bangko sentral ang mga ganoong uri ng bangko. Nagpapalabas ang pambansang bangko ng mga karaniwang mga salaping papel at/o mga barya. Sa ibang mga bansa, gawain ng pamahalaan ang pagpapalabas ng salapi.

   

DI BANGKO:  

Government Service Insurance System (GSIS)Itinatag upang mag-asikaso sa kapakanan ng mga empleyado ng pamahalaan.  

Lahat ng mga naglilingkod sa pamahalaan ay may tulong, pautang, seguridad at pensiyon sa mga kasaping nagretiro.  

Ilan sa mga ipinagkakaloob ng GSIS:  

Housing Loan

Policy Loan

Salary loan

Calamity Loan

Educational Assistance Loan

Memorial and Health Loan

Life Insurance

Retirement Insurance

Disability Insurance

National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC)  

Itinatag sa pamamagitan ng Executive Order Blg. 1267 noong Disyembre 21, 1977.

Ito ay naglalayon na linangin at magkaloob ng tulong sa mga pahulugang bahay at lupa para sa mga nangangailangan at nagnanais magkaroon ng sariling bahay at lupa.  

Pagtutulungan sa Kinabukasan- Ikaw, Bangko at Gobyerno (PAG-IBIG)Itinatag ito upang matulungan ang mga kasapi na magkaroon ng sariling bahay.  

Tumatanggap ito ng kontribusyon sa mga kasapi tulad ng mga empleyado ng pamahalaan, pribadong sektor, at mga Overseas filipino Workers (OFWs).Insurance  

May kinalaman sa pamamahala sa mga panganib sa buhay ng tao, ari-arian, at negosyo.  

Ang PAGLILIPAT NG RESPONSIBILIDAD sa maaaring maganap na PAGKALUGI at PAGKAWALA ng anumang bagay tulad ng BUHAY NG TAO, ARI-ARIAN at NEGOSYO sa kamay ng mga kompanya ng seguro ay ginagawa upang sa sandali na may hindi magandang nangyari sa alinmang bagay na nabanggit ay MAY TUTULONG SA MGA NAAPEKTUHAN.Social Security System (SSS)

Itinatag sa bisa ng Batas Republika Blg. 1992 noong 1957.  

Layunin nito ay tulad ng GSIS, ang tulungang maiangat ang panlipunang kalagayan at mapangalagaan ang kapakanan ng mga kasapi na mga empleyado at manggagawa ng pribadong sektor.  

Ang benepisyong tinatanggap ng mga kasapi ay tulad ng pensiyon, seguridad, pautang, at tulong sa mga kasapi.  

Tinatanggap na mga kasapi: may tiyak na trabaho, self-employed, boluntaryong kasapi, mga kasambahay at magsasaka.

#CarryOnLearning

Brainliest pls