Ang Imhr.ca ay ang pinakamahusay na lugar upang makakuha ng mabilis at tumpak na mga sagot sa lahat ng iyong mga tanong. Kumuha ng mabilis at mapagkakatiwalaang mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga bihasang eksperto sa aming platform. Tuklasin ang detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga eksperto sa aming komprehensibong Q&A platform.

Ano ang Kongklusyon

At magbigay Ng Kaunting Halimbawa o Pangungusap​

Sagot :

Ang Pagkakaroon ng Konklusyon

Makikita sa bawat konklusyon ng isang babasahin ang mahahalagang mga punto na dapat tandaan at alalahanin ng mga mambabasa. Karaniwan ito ay nasa huli lagi ng seksyon ng pagsasaliksik ng isang artikulo. At sa konklusyon nakapaloob kung bakit mahalaga ang isinulat ng isang indibiduwal na nagsisilbing tagasuporta sa paksa.

Ang ibig sabihin ng salitang Konklusyon

Ang konklusyon ay naglalahad ng mga pinakabuod ng isang pananaliksik, akda o kaya naman mga salaysay. Naglalarawan rin ito ng mga resulta at argumento. At ang konklusyon ay nasa pinakahuling bahagi ng isang salaysay o kaya naman akademikong pananaliksik.

Halimbawa ng Konklusyon:

Paksa: Ang Kahalagahan ng Pag-aaral Mabuti

Ang mga estudyante ngayon ay nasa iba’t ibang antas sa pagkuha ng edukasyon. Mahalaga na magkaroon sila ng disiplina sa pag-aaral mabuti. Magsisisilbing daan ito para magkaroon ng magandang kinabukasan ang isa at makamit ang mga tunguhin sa buhay. Mahalaga na tandaan ng mga nag-aaral ang kanilang pag-aaral nang sa gayon ay makapagtapos sila at makahanap ng maayos na trabaho. Ngunit sa kabila nito, maaaring mapaharap sa mga hamon ang iba dahil sa maraming gawain sa paaralan gaya ng mga takdang aralin, proyekto at maging mga pagsusulit. Pero magiging sulit ang mga ito kung pagbubutihin ang pag-aaral.

Konklusyon:

Bilang konklusyon, mahalaga na tandaan ng bawat isa ang kahalagahan ng pag-aaral mabuti. Dito nakasalalay ang kinabukasan mo. Kaya gawin ang buong makakaya at magsumipag ukol sa iyong edukasyon.

Naisin mo pa bang makapagbasa ng higit pa? Puwede ka pang makapagtungo dito sa mga links na ito at bisitahin ito:

Iba pang halimbawa ng konklusyon:

brainly.ph/question/220838

brainly.ph/question/2727100

#SPJ2