Maligayang pagdating sa Imhr.ca, kung saan ang iyong mga tanong ay masasagot ng mga eksperto at may karanasang miyembro. Tuklasin ang mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa mga bihasang propesyonal sa iba't ibang larangan sa aming komprehensibong Q&A platform. Tuklasin ang malalim na mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga eksperto sa aming madaling gamitin na Q&A platform.
Sagot :
Answer:
Ang alamat ni Prinsesa Manorah ng Thailand na isinalin sa tagalog ni Dr. Romulo N. Peralta
Ito ay isang alamat na nagpasalin salin na sa iba''t ibang henerasyon mula noong panahon ng Ayutthaya na itinatag noong taong 1350
Explanation:
Si Kinnaree Manorah ay ang bunso sa pitong anak nina Haring Prathum at Reynang Jantakinnaree. Sila ay nakatira sa maalamat na kaharian ng Bundok Grairat. Ang pitong magkakapatid ay kapwa mga kinnaree o kalahating tao at kalahating swan. Sila''y nakakalipad at nagagawang itago ang mga pakpak kung kanilang naisin.
Answer:
Ang Alamat ni Prinsesa Manorah (Buod)
Sa isang kaharian sa bundok Grairat, nakatira ang mag-asawang hari Prathum at Reynang Janta kinnaree. Sila ay may pitong anak na kinnaree. Ang pitong kinnaree ay kalahating sisne at ang kalahating ay babae. Sila’y nakalilipad ng nakatago ang kani-kanilang pakpak kung nais nila.
Sa buod na ito, malalaman mo ang ilang yugto:
- Prinsesa Manorah
- Ang Kabilugan ng Buwan
- Ang Dragon
- Ang Kapangyarihang
Prinsesa Manorah
Isa na dito ay si Prinsesa Manorah. Si Prinsesa Manorah ay may taglay na kakaibang ganda na tunay naming nakabibighani. Sa loob ng kaharian ng Grairat, matatagpuan ang kagubatan ng Himmapan kung saan matatagpuan ang napakagandang at kaaya-ayang lawa na paburitong lugar ng pitong prinsesang kinnaree. Dito rin sa kagubatang ito namamahay ang iba’t ibang babangis at nakatatakot na nilalang.
Ang Kabilugan ng Buwan
Masaya silang dumadala rito lalo na tuwing kabilugan ng buwan. Sa hindi naman kalayun sa lawa ay may nakatirang isang matandang ermitanyo na nagsasagawa ng kanyang meditasyon. Isang araw napapad ang isang binata sa kagubatan ng Himmapan. Siya ay si Prahnbun. Nasaksihan niya ang pitong prinsesa na masayang nagtatampisaw sa lawa at sa isang iglap lamang ay nabighani na siya sa kagandahan ni Prinsesa Manorah, kaya naman naisip niya na kung mahuhuli niya ang magandang prinsesa at ibigay kay prinsepe Suton ay tiyak na matutuwa sakanya ang prinsepe.
Ang Dragon
Kung paano mahuhuli ang prinsesa, hindi iyon alam ni Prahnbun kaya naman nagpatulong siya sa matandang ermitayo. Batid ng matandang ermitayon na hindi ganoon kadali ang manghuli ng isang kannaree ngunit alam niya na isang dragon ang makakatulong sa binata kaya ito ay pinayuhan niyang hanapin ang nasabing dragon.
Tumalima naman kaagad ang binata at hinanap ang nasabing dragon, nang mahanap na niya ang dragon ay isinalaysay nito ang kanyang planong hulihin ang isa sa pitong prinsesang kannaree. Sa una ay ayaw sumangayon ng dragon ngunit napa sangayon din siya ng masigasig na binata.
Ang Kapangyarihang Lubid
Binigyan ng dragon si Prahnbun ng makapangyarihang lubid na siyang panghuhuli niya sa Prinsesa Manorah. Nagpasalamat ang binata at agarang lumisan upang hulihin ang isa sa mga prinsesa. Inihagis niya ang lubid at matagumpay na nahuli si Prinsesa Manorah. Ganun nalamang ang pagkaawa ng ibang mga kapatid ng prinsesa. Itinali nang mahigpit ni Prahnbun ang pakpak ni Prinsesa Manorah upang hindi makawala at tuluyang maibigay kay Prinsipe Suton na nagkataong naglalakbay rin sa kagubatan.
Ang Wakas
Nakasalubong niya si Prahnbun dala-dala si Prinsesa Manorah. Agad-agad na naakit sa kagandahan ni Prinsesa Manorah ang prinsipe. Nang isalaysay ni Prahnbun kay Prinsipe Suton ang dahilan kung bakit niya hinuli at dinala ang prinsesa sa harap niya, nagpasalamat ang prinsepe at ginantimpalaan ang binata Nagbalik ang prinsipe sa kaniyang palasyo dala-dala si Prinsesa Manorah kung saan umusbong ang isang tunay na pag-ibig sa isa’t isa.
Mahalaga sa amin ang iyong pagbisita. Huwag mag-atubiling bumalik para sa higit pang maaasahang mga sagot sa anumang mga tanong na mayroon ka. Salamat sa iyong pagbisita. Kami ay nakatuon sa pagbibigay sa iyo ng pinakamahusay na impormasyon na magagamit. Bumalik anumang oras para sa higit pa. Maraming salamat sa pagbisita sa Imhr.ca. Bumalik muli para sa higit pang kapaki-pakinabang na impormasyon at sagot mula sa aming mga eksperto.