Paunang Pagtataya
Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na pahayag. Pumili ng sagot sa kahon at
isulat ang titik lamang. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
A job mismatch
C. white collar job
E hard-to-fill na trabaho
B. blue collar job
D. lokal na demand
F. in-demand na trabaho
1. Si Paul ay nakapagtapos ng kursong Agriculture subalit sa kasalukuyan siya ay
tumutugtog ng banda kasama ng kanyang mga kaibigan.
2. Madaling nakahanap ng trabaho ang aking kuya, dahil sa kaniyang
kwalipikasyon sa bakanteng trabahong nakalathala sa industriya.
3. Tinanggap ni tatay ang oportunidad na makapagtrabaho sa aming komunidad
upang hindi mapalayo sa aming pamilya.
4 Pangarap kong maging propesyonal tulad ng Guro o Guidance Counselor dahil
nais kong makatulong sa paggabay sa mga kabataan.
5. Lubos ang aking paghanga sa kagalingan ng mga skilled worker tulad ng:
barista, welder at machine operator.
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag Piliin at isulat sa kuwaderno ang titik