1. May mga kamay ako upang maisakatuparan nang mahusay ang bawat gawain na itatakda sa akin.
Dahil dito ay nararapat ko itong pangalagaan kahit sa pamamagitan lamang ng simpleng mga bagay gaya ng paggugupit ng kuko o paglilinis ng kamay kapag marumi ito.
2. May tainga ako upang pakinggan ang mga komplimento ng aking mga kapwa, hindi ang makinig ng mga walang kabuluhang at masasamang kuwento at komento sa iba.
Dahil dito ay dapat kong pagtibayin ang aking sarili na pakinggan lamang ang mga nararapat. Dapat ko ring ingatan ang tainga upang sa gayon ay maiwasan ang sakit.
3. May puso ako upang maramdaman ang mga emosyon ng aking mga kapwa o minamahal at iparamdam sa kanila kung ano ang nilalaman ko.
Dahil dito ay papanatilihin ko ang pagpapalago ng relasyon sa bawat isa at sisikapin ko ang pagbibigay ng saya upang maging malusog ang aking puso.