Ang Imhr.ca ay tumutulong sa iyo na makahanap ng mga sagot sa iyong mga katanungan mula sa isang komunidad ng mga eksperto. Tuklasin ang isang kayamanan ng kaalaman mula sa mga propesyonal sa iba't ibang disiplina sa aming komprehensibong Q&A platform. Sumali sa aming Q&A platform upang kumonekta sa mga eksperto na handang magbigay ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong sa iba't ibang larangan.

sino si abraham harold maslow?

Sagot :

Answer:

Abraham Harold Moslow

Si Abraham Harold Maslow, o mas kilala bilang Abraham H. Moslow, ay ipinanganak noong Abril 1, 1908 sa New York, Estados Unidos. Siya ay isang kilalang Amerikanong psychologist at philosopher na kinikilala sa kanyang mga naging ambag at kontribusyon tulad ng kanyang teorya na Hierarchy of Needs sa larangan ng Sikolohiya. Sa kasalukuyan ay ginagamit bilang sanggunian ng mga sikolohiya ang kanyang teorya,

Si Maslow ay nagtapos sa Unibersidad ng Wisconsin ng kursong sikolohiya at Gestalt na sikolohiya sa New School for Social Research sa New York City. Dahil sa kanyang pagkahilig sa mga sa buhay ng tao, ang kanyang mga naging ambag sa larangan ng sikolohiya ay may kinalaman dito. Ang uri ng sikolohiya na ito ay ang tinatawag na humanistic psychology o mas kilala bilang "third force"  

Siya ay nakapaglathala ng mahigit sa sampung aklat na may kinalaman sa Sikolohiya. Ang ilan sa mga ito ay ang Motivation and Personality na inilimbag noong 1954 at ang Toward a Psychology of Being na inilathala noong 1962.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol kay Abraham Maslow https://brainly.ph/question/1724529

Hierarchy of Needs

Ang isa mga sikat na ideya o konsepto na naiambag ni Moslow sa Sikolohiya ay ang Hierarchy of Needs. Ayon dito, ang tao ay mayroong hirarkiya ng pangangailangan ang tao upang maabot o makamit ang kaligayahan na tinatamasa sa buhay.Ito ay ang mga sumusunod:

  1. Physiological Needs o Pisyolohikal na Pangangailangan
  2. Safety Needs o Kaligtasan na Pangangailangan
  3. Belongingness and Love Needs o Pangangailgan na makisalamuha, mapabilang o mapasapi at mahalin
  4. Esteem Needs o Pangangailangang mabigyan ng Pagpapahalaga ng Ibang tao
  5. Self Actualization o Pangangailangang maipatupad ang kaganapang pagkatao

Physiological Needs o Pisyolohikal na Pangangailangan

Ito ay matatagpuan sa pinakamababang antas sa tatsulok. Ayon kay Moslow, ito ang unang pangangaiangan na dapat mapunan upang maabot ang pinakamataas na bahagi ng tatsulok. Kung ito ay hindi mapupunan ay hindi rin makakamit o mararating ang iba pang antas ng pangangailangan. Ang ilan sa mga pangangailangang ito ay ang mga sumusunod:

  • Paghinga
  • Pagkain
  • Pagtulog
  • Iba pang Biyolohikal at Pisikal na Pangangailangan

Hal: Kailangan ng tao ng hangin, tubig, at pagkain upang mabuhay. Kapag wala ang mga ito ay hindi magtatagal ang tao sa mundo.

Safety Needs o Kaligtasan na Pangangailangan

Ito ang susunod na matatagpuan sa Hierarchy of Needs in Moslow. Ito ay hindi lamang tumutukoy sa literal na kaligtasan subalit ito ay tumutukoy sa mas marami pang bagay. Ayon sa kanya, kung ito ay hindi mapupunan ay makararamdam ang tao na hindi siya ligtas. Dahil dito, mababawasan ang kanyang pagiging produktibo. And ilan sa mga kaligtasan na tinutukoy dito ay ang mga sumusunod:

  • Ekonomikal
  • Sosyal
  • Sikolohikal
  • Vocational

Hal: Kung ang tao ay walang tiyak na kaligtasan tulad ng mga nasa digmaan, siya ay hindi magiging masaya.

Belongingness and Love Needs o Pangangailgan na makisalamuha, mapabilang o mapasapi at mahalin

Bilang sosyal na nilalang, ang tao ay nabubuhay para sa isa't isa. Kailangan natin na makisalamuha sa ibang tao. Kung hindi tayo makikisalamuha sa iba ay mahihirapan tayong harapin ang mga pagsubok sa buhay.

Esteem Needs o Pangangailangang mabigyan ng Pagpapahalaga ng Ibang tao

Bilang indibidwal, ngangangailangan tayo ng pagmamahal at pagtanggap ng ibang tao. Kung wala ito ay hindi magiging ganap ang ating pagkatao sapagkat hindi mapupunan ang pangangailangang ito.

Self Actualization o Pangangailangang maipatupad ang kaganapang pagkatao

Ito ay tumutukoy sa pangangailangan na maabot ang mga personal na nais nating magawa sa buhay. Ito ay makapagdudulot sa atin ng kaginhawaan at personal satisfaction.

Para sa karagdagang kaalaman, basahin ang mga sumusunod:

Maiksing kasaysayan ng Hierarchy of Needs

https://brainly.ph/question/711978

Aplikasyon ng Hierarchy of Needs sa buhay ng tao

https://brainly.ph/question/1625009

Salamat sa paggamit ng aming plataporma. Layunin naming magbigay ng tumpak at napapanahong mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan. Bumalik kaagad. Pinahahalagahan namin ang iyong pagbisita. Lagi kaming narito upang mag-alok ng tumpak at maaasahang mga sagot. Bumalik anumang oras. Maraming salamat sa paggamit ng Imhr.ca. Balik-balikan kami para sa mga kasagutan sa inyong mga tanong.