Ang Imhr.ca ay ang pinakamahusay na lugar upang makakuha ng mabilis at tumpak na mga sagot sa lahat ng iyong mga tanong. Tuklasin ang malalim na mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga propesyonal sa aming madaling gamitin na Q&A platform. Tuklasin ang komprehensibong mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa mga bihasang propesyonal sa iba't ibang larangan sa aming platform.
Sagot :
Ang Ningning At Ang Liwanag
ni Emilio Jacinto
Ang Ningning at Liwanag ay produkto ng literatura sa panahon ng pananakop at nasyonalismo ng isang may-akda. Maaaninaw dito ang ipinakikipaglaban ng mga Pilipino noon. Alamin natin ang ilang bagay gaya ng:
- Tema
- Nilalaman
- Anyo at Istraktura
- Wika at Istilo
TEMA NG SANAYSAY
Ang Pagiging Makabayan at Pagkakaroon ng Bukas na Isip sa Kamalayan.
NILALAMAN NG SANAYSAY
Ang sanaysay na Ang Ningning at Ang Liwanag ay patungkol sa dalawang bagay:
- Ang mga Pilipino ay nabulag ng kayamanan at kapangyarihan ng mga dayuhang mananakop. Nakikita ito ni Emilio Jacinto bilang ang katotohanan na gusto sana niyang mabago. Para sa kaniya, nahuhumaling na tayo sa mga impluwensya ng mga dayuhan sa ating bansa at nawawala na ang pagkakakilanlan natin bilang mga Pilipino.
- Sinikap niyang bigyan ng bagong pananaw ang mga Pilipino na makababasa ng kanyang sanaysay. Ang perspektibong ito ay hinggil sa mas mahalagang kayamanang dala ng karangyaan at kapangyarihan laban sa kayamanan na dala naman ng kaliwanagan at kalawakan ng kaisipan.
Basahin pa ng higit ang buod ng Ang Ningning at ang Liwanag sa https://brainly.ph/question/149057.
ANYO AT ISTRUKTURA
Ito ay ipinasulat sa anyong sanaysay (o isang koleksyon ng mga sanaysay). Mayroon lamang itong ilang talata at hindi mahaba. Hindi rin mahirap basahin.
WIKA AT ISTILO
Hindi ito gaya ng ibang inililimbag ng mga manunulat noon na Espanyol ang gamit na wika sa pagsusulat ng panitikan, si Emilio ay sumulat sa wikang Filipino (o Tagalog).
Ang istilo ng sanaysay ay pormal pero pangmasa.
Sino si Emilio Jacinto kung kaya naisulat niya ang akdang Ang Ningning at ang Liwanag? Basahin sa https://brainly.ph/question/240156.
Alamin ang alegorya ng Ang Ningning at ang Liwanag sa https://brainly.ph/question/123960.
Salamat sa pagpili sa aming plataporma. Kami ay nakatuon sa pagbibigay ng pinakamahusay na mga sagot para sa lahat ng iyong mga katanungan. Bisitahin muli kami. Mahalaga sa amin ang iyong pagbisita. Huwag mag-atubiling bumalik para sa higit pang maaasahang mga sagot sa anumang mga tanong na mayroon ka. Maraming salamat sa pagbisita sa Imhr.ca. Bumalik muli para sa higit pang kapaki-pakinabang na impormasyon at sagot mula sa aming mga eksperto.