Maligayang pagdating sa Imhr.ca, kung saan ang iyong mga tanong ay masasagot ng mga eksperto at may karanasang miyembro. Kumuha ng detalyado at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga eksperto sa aming komprehensibong Q&A platform. Tuklasin ang komprehensibong mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa mga bihasang propesyonal sa iba't ibang larangan sa aming platform.

Ano ang naging karanasan ni don juan sa pagligtas kay don pedro at don diego

Sagot :

Answer:

Binigyan ng hari ang dalawa ng babala at kapag inulit ito papatayin niya sila. Inatasan ni Don Fernando ang mga magkakapatid na bantayan ang Ibong Adarna. Isang gabi, pagkatapos bantayan ni Don Pedro ang Ibong Adarna, ginising na niya si Don Juan kahit hindi pa niya oras magbantay. Habang nagbabantay si Don Juan, nakatulog siya at dumating nanaman ang dalawang taksil. Pinkawalan nilang dalawa ang ibon at umalis. Pagkagising ni Don Juan ay nawala na ang Adarna. Siya ay nabahala at sinisi ang sarili. Umalis siya ng Berbanya upang hanapin ang ibon. Kinaumagahan, hindi na nakita ni Don Fernando ang ibon. Nagalit siya at tinanong kung sino ang huling nagtanod. Sinabi ng dalawang taksil na si Don Juan at kaagad-agad siyang pinahanap sa dalawa niyang kapatid. Umabot sila sa Kabundukan ng Armenia. Nagustuhan ni Don Juan ang lugar na iyon dahil sa mapayapang kapiligiran. Nahanap din nina Don Pedro’t Don Diego si Don Juan at kinausap siya. Tinanong siya kung gusto niya pa bumalik sa Kaharian ng Berbanya. Kung ayaw niya ay doon na lang sa Kabundukan ng Armenya sila maninirahan. Pumayag si Don Juan at doon na sila ay nagsaya. Araw-araw sila nangingisda at humhuli ng ibon. Bawat linggo naman ay nagsasalo-salo sila. Naging masaya ang kanilang buhay doon. Isang araw, sa sobrang inip ng magkakapatid ay lumakbay sila. Habang naglalakad ay may nakita silang isang balon. Ang balon na ito ay kakaiba. Walang tubig sa loob at napakalalim nito. Agad nanagtaka si Don Juan at alam niya na may mahika ito. Yinaya niya ang mga kapatid niyang bumababa. Nagboluntaryo si Don Juan na unang bumaba ngunit nanguna si Don Pedro dahil siya ang panganay. Sinubukan ng dalawang nakakatandang kapatid ni Don Juan na bumaba ngunit si Don Juan lang ang tumagumpay. Pagdating niya sa baba ay may nakita siyang palasyong gawa sa ginto’t plaka. Doon nakita din niya ang mga magagandang prinsesa na si Juana at Leonora, nguni't sila ay binabantayan ng serpente na may pitong ulo at higante. Napatay ni Juan ang higante at ang serpente. Dahil doon, sumama sila Prinsesa Juana at Leonora kay Juan palabas ng balon, nguni't naiwan ni Leonora ang kanyang singsing sa isang mesa. Daling binalikan ni Juan ang singsing, nguni't sampung dipa pa lamang si Juan patungo sa ilalim ng balon ay dagling pinutol ni Pedro ang lubid. Nahulog si Juan sa ibaba ng balon at sya'y labis na nasaktan. Subalit inutusan ni Leonora ang kanyang alagang lobo upang tulungan si Juan at sila ay umalis na patungo ng Berbanya.