Gawain 1
Panuto: Suriin ang bawat pahayag. Isulat sa kuwaderno ang salitang TAMA kung
wasto ang pahayag. Kung hindi, isulat ang salita o mga salitang nagpamali sa
pahayag at iwasto ito.
1. Kabilang ang pagsugpo sa katiwalian sa tatlong pangunahing inasahan ng mga
mamamayan mula kay Pang. Benigno C. Aquino Ill sa pagsisimula ng kaniyang
panunungkulan.
2. Isang layunin ng Daang Matuwid ang pagpapanumbalik ng tiwala ng mamamayan
sa pamahalaan.
3. Lubos na sinuportahan ng Simbahang Katoliko ang pagpapatibay ng Responsible
Parenthood and Reproductive Health Act 2012 (RA 10354)
4. Kinatigan ng korte suprema ang paggamit ng pondo ng pamahalaan sa
pamamagitan ng PDAF at DAP.
5. Ninais ng mga lider ng Kongreso sa panahon ng panunungkulan ni PNoy na
susugan ang mga probisyong ekonomiko ng Saligang Batas upang mahikayat ang
mga mamumuhunan na magnegosyo sa Pilipinas.
6. Naging pangunahing layunin ni PNoy ang pagsugsog sa Saligang batas.
7. Lahat ng mga kalayaang dapat matamasa ng mga Filipino ay nakasulat sa Bill of
Rights ng Saligang Batas 1987.
8. Isinulong ng mga karapatang sibil ang pansariling pag-unlad, kaligayahan at
kasiguraduhang pinansyal ng mga mamamayan.
9. Tungkulin ng mga mamamayang alamin ang limitasyon ng kanilang mga karapatan.
10. Ang kalayaan sa pamamahayag at pananampalataya ay mga halimbawa ng
karapatang politikal.
Pasagot naman po please
Kailangan ko na po ngayon
35 points po yan :)