1. Pamahalaang militar na itinatag ng pamahalaang Kolonyal upang masigurong payapa ang partikular na teritoryo t mapasunod ang mga Pilipino sa patakaran.
A. Commandancia
B. Bandala
C. Kalakalang Galyon
D. Polo Y servicio
2. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa dahilan ng pagsakop ng mga Espanyol sa bulubundukin ng Luzon?
A. ginto
B. tributo
C. kristiyanismo
D. monopolyo ng tabako
3. Nag-utos upang magsiyasat ng mga gintong ibinebenta ng mga Igorot sa Ilocos.
A. Gob. Heneral Miguel Lopez de Legazpi
B. Gob. Heneral Jose Basco y Vargas
C. Kapitan Garcia de Aldana Cabrera
D. Gob. Heneral Ferdinand Magellan
4. Nakagisnang relihiyon ng mga Igorot na naniniwalang ang kalikasan ay tahanan ng mga espiritu at ng kanilang mga yumaong ninuno.
A. Muslim
B. Animismo
C. Born Again
D. Kristiyanismo
5. Nagmula sa salitang golot na ang ibig sabihin ay “bulubundukin”.
A. Igorot
B. Muslim
C. Tagalog
D. Kapampangan
6. Bakit naging mahirap para sa mga Espanyol na masakop ang lahat ng pangkat na nakatira sa masusukal na kabundukan at magkakahiwalay na pulo?
A. Dahil magaling magtago ang mga Pilipino.
B. Dahil sa katangiang heograpikal ng Pilipinas.
C. Dahil maraming mababangis na hayop sa kabundukan
D. Dahil sila ay gumawa ng mga patibong at ikinatakot ito ng mga Espanyol.
7. Isa sa mga lugar na hindi napagtagumpayang sakupin ng mga Espanyol ay ang mga kabundukan ng Cordillera. Naninirahan dito ang mga Igorot. Alin sa sumusunod na hanapbuhay ng mga nabanggit na pangkat ang HINDI kabilang
A. Paghahabi ng Tela
B. Pagnganganga
C. Pagsasaka
D. Pangingisda
8.Tawag sa banal na digmaang inilunsad ng mga Muslim upang maipagtanggol ang kanilang relihiyon at pamumuhay.
A. . Jihad
B. Moro
C. Bandala
D. Comandancia
9. Maituturing bang tagumpay ng mga katutubo at Muslim ang kanilang ginawang pagtatanggol sa kanilang teritoryo?
A. Oo, dahil napanatili nila ang kanilang sariling kultura.
B. Oo, dahil dito natakot ang mga Espanyol sa mga katutubo.
C. Hindi, dahil hindi naging maunlad ang kanilang pamumuhay.
D. Hindi, dahil hanggang ngayon sa kabundukan pa rin sila naninirahan.
10. Ang mga sumusunod ay mga dahilan kung bakit nagrebelde ang mga katutubo laban sa mga Espanyol maliban sa isa.
A. Pagbawi sa nawalang kalayaan.
B. Labis-labis na paniningil ng buwis.
C. Pakikipagkaibigan ng mga Espanyol sa mga katutubo.
D. Pangangamkam ng mga lupain ng mga pinunong Espanyol.
Example:
Pasagot po ng maayon and #BeSafeatHome