Tuklasin ang mga sagot sa iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang pinaka-mapagkakatiwalaang Q&A platform para sa lahat ng iyong pangangailangan. Kumuha ng mabilis at mapagkakatiwalaang mga sagot sa iyong mga tanong mula sa dedikadong komunidad ng mga propesyonal sa aming platform. Kumuha ng detalyado at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga eksperto sa aming komprehensibong Q&A platform.

4.Liham sa mga mangga gawa, ano ang nais ninyong sabihin sa kanila​

Sagot :

Answer:

Para sa manggagawang Pilipino,

Alam ko mapagod. Tinitiis ko rin araw-araw ang mga pagsubok sa pagpasok sa trabaho, pagtutupad ng trabaho, at pag-uwi mula sa trabaho. Alam ko ang hirap na dinarasan ng mga nagtatrabaho. At alam ko rin na mahirap magtiis mula sa maliit na natatanggap na pabuya mula sa mga oras na kinakayod niyo.

Alam ko malungkot. Kahit lumalago ang ekonomiya natin, malimit na nararamdaman ng nakararami ang mga benepisyo na ganitong paglago. Para sa iba, tumitiis sila sa mga dyip, sa mga bus, sa mga tren, sa mga lansangan, sa mga opisina at sa mga pagawaan. At kakulangan pa ang naibabalik sa kanila.

Alam ko mahirap. Sa panahon ngayon, ang mga pangarap ay kathang isip lamang dahil nasa isipan natin na mahirap siyang maabot. Kahit mga simpleng pangangailangan ay hirap makamtan. Kahit mga panandaliang bayad sa mga singil sa tubig, bahay, kuryente, matrikula at iba pa ay hirap mabayaran. Sadyang hindi kaya ang laman ng bulsa upang maisakatuparan ang mga kabayaran nyo.

At alam ko masakit. Bawat parte sa katawan ang inaalay para lang sa trabaho. Sa pagbuhat ng mga kasangakapan, sa pagtiis mula sa init para may mabuo, sa pagwaksi ng sariling kalusugan at kaligtasan para magawa lang ang pinapagawa, sa pagdiin ng sariling lakas, liksi at lukso para sa pagserbisyo sa mamamayan at sa pag-alay ng buong pangako para sa pagbibigay-tulong sa iba. Kasakitan talaga ang bunga.

Pero heto ako, isang mamamayang may buong tiwala sa kaya ng mangagawang Pilipino. Kaya’t inanyayahan ko sa mga kapwa kong manggagawa ay sikapan na itupad ang mga tungkulin sa trabaho. Nasa paggawa ang kagalingan nating mang-usbong. Lagi sinasabi ng ating magulang na “magsikap lagi upang matupad ang mga pangarap natin”. Hindi haka-haka ang mga binubulas ng ating magulang. Naranasan nila ang hirap sa pagtrabaho. Pero nagsumikap sila upang maipadala tayo sa kung saan tayo ngayon. At tutungo tayo din sa pinakaasam nating pangarap.

Mukhang imposible sa ating mata. Nababatid ko iyon. Pero heto lang. Ikaw lang ang tanging tao sa mundo ang pwedeng makatupad sa pangarap mong mag-unlad. Huwag gawing balakid ang pagod, lungkot, hirap at sakit para hindi maabot. Kailangan ng Pilipinas na mga taong matiyaga. Nasa sa atin ang katiyagaan na iyan. Marahil, mahirap lang sumikap dahil may mga mas magagaling sa atin. Hindi totoo iyan. Bawat isa ay may tinatagong galing na kailangan lang ilabas.

Huwag tayo mapadala sa kapanglawan, katamaran, kahilian at kawalang-interes. Mahihirapan lang tayo bilang isang masipag na bansa. Tayo ay ginawaran ng pribilehiyong magsikap. At dahil diyan, tayo ay nagiging parte sa katatagan ng ating bansa. Kaya nanawagan ako sa lahat ng mga manggagawa, sa mga naghahanap pa ng hanapbuhay, sa mga panibagong manggagawa at sa mga nagsisikap para sa bansa na MAGSIKAP, mapahirap man o maginhawa. Saludo ako sa inyo.

Malugod na nagtatapat,

Ang Katalistang Atubili

Explanation:

HOPE IT'S HELP PO ❤️