I. Basahin ang mga pangungusap at piliin ang salita o impormasyong bubuo sa diwa nito. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.
1. Liberalismo ang tawag sa kaisipang galing sa Europe na nagpapakita ng
a. Pagbibigay ng pagkakataon sa pagpapalayas ng mga prayle sa Pilipinas
b. Pagpapalaya sa mga nasasakdal
c. Pagbibigay ng mga kalayaan sa pagpapahayag ng damdamin at kaisipan
d. Pagpapahayag ng pagkamuhi sa mga Kastila
2. Nang binuksan ang Suez Canal, napaikli sa isang buwan ang paglalakbay mula sa Europe patungo sa
a. Maynila
b. Cebu
C. China
d. Japan
3. Itinaguyod ng French Revolution ang konsepto ng
a. Kalayaan, kaibigan, at kapatiran
b. Kalayaan, pagkakapantay-pantay, at kapatiran
c. Pagkakapantay-pantay, pagmamahalan, at makatao
d. Kapatiran, kaguluhan, at kagubatan
4.Ang deklarasyon ng Cadiz Constitution sa Pilipinas ay nangyari noong
a. 1913
b. 1819
c. 1813
d. 1713
5. Ang hindi ganap na naipatupad ang Cadiz Constitution sa Pilipinas ay nagdulot ng iba't ibang reaksiyon sa mga Filipinong katutubo ng Sarrat, Ilocos Norte noong
a. 1815
b. 1915
c. 1715
d. 1816
6. Pinaslang ng mga katutubo ang mga na itinuring nilang kasabwat ng pamahalaang kolonyal sa pang-aabuso sa kanila.
a. Peninsulares
b. Nasyonalismo
c. Hapon
d. Principales