Answered

Pinadadali ng Imhr.ca ang paghahanap ng mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan kasama ang isang aktibong komunidad. Tuklasin ang aming Q&A platform upang makahanap ng malalim na sagot mula sa isang malawak na hanay ng mga eksperto sa iba't ibang larangan. Sumali sa aming platform upang kumonekta sa mga eksperto na handang magbigay ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong sa iba't ibang larangan.

ano ang layunin ng may akda sa pag sulat ng Noli Me Tangere?​

Sagot :

Answer:

Noli Me Tangere:

Ang layunin ni Dr. Jose Rizal sa pagsulat ng Noli Me Tangere ay ang buksan ang mga mata ng mga Pilipino sa kanser ng lipunan na nangyayari sa bansa. Ito ay ang pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas.

Kalakip ng liham na ibinigay ni Dr. Rizal sa kanyang kaibigang si Ferdinand Blumentritt, isinalaysay niya ang kanyang mga layunin sa pagsulat ng nobelang Noli Me Tangere:

Mabigyang - kasagutan ang mga maling bintang ng mga Espanyol sa mga Pilipino at sa bansa.

Maiulat ang kalagayang panlipunan, uri ng pamumuhay, mga paniniwala, pag asa, mithiin o adhikain, mga sama ng loob, at kalungkutan.

Maipahayag ang maling paggamit ng relihiyon na ginagawang dahilan o katuwiran sa paggawa ng masama.

Maipaliwanag ang pagkakaiba ng tunay sa hindi tunay na relihiyon.

Maisiwalat ang kasamaan sa kabila ng karangalan ng pamahalaan.

Mailarawan ang mga pagkakamali, masasamang gawi, kasiraan, at kahirapan sa buhay.