Makakuha ng mabilis at tumpak na mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang mapagkakatiwalaang Q&A platform. Kumonekta sa isang komunidad ng mga propesyonal na handang tumulong sa iyo na makahanap ng eksaktong solusyon sa iyong mga tanong nang mabilis at mahusay. Kumuha ng mabilis at mapagkakatiwalaang mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga bihasang eksperto sa aming platform.

Asyanong lugar na bumagsak sa mga turkong muslim​

Sagot :

Answer:

Constantinople

Explanation:

Ang Pagbagsak ng Constantinople- (bahagi ng Turkey sa kasalukuyan) ay ang Asyanong teritoryo na

pinakamalapit sa kontinente ng Europa. Ito ang nagsilbing rutang pangkalakalan mula Europa patungong India, China at iba pang bahaging Silangan na napasakamay ng mga Turkong Muslim noong 1453. Ito rin ang teritoryong madalas daanan noong panahon ng Krusada. Kung matatandaan natin nang lumakas ang Turkong Muslim at sinakop ang Jerusalem, nanganib ang Constantinople na bumagsak din sa mga Turkong Muslim, kaya humingi ng tulong ang Emperador ng Constantinople para labanan ang mga Turkong Muslim at mabawi ang Jerusalem. Sa loob ng panahon ng Krusada, napigil ang paglalakbay ng Muslim patungong Europa ngunit nang masakop ng Turkong Muslim ang Silangang Mediterranean ay lubusan na ring sinakop ang Constantinople noong 1453 at ang naging resulta ay ang ganap na pagkontrol ng mga Turkong Muslim sa mga ruta ng kalakalan mula sa Europa patungong Silangan. Ang ugnayan ng mga mangangalakal na Asyano at Europeo ay naputol mula nang masakop ng mga Turkong Muslim ang ruta ng kalakalan. Sa mga mangangalakal na Europeo tanging mga Italyanong mangangalakal na taga-Venice, Genoa at Florence ang pinayagan ng mga Turkong Muslim na makadaan sa ruta. Ang mga kalakal na nakukuha sa Asya ng mga Italyano ay dinadala sa kanlurang bahagi ng Europa tulad ng Portugal, Spain, Netherlands, England at France. Dahil dito napilitang maghanap ng bagong ruta ang mga mangangalakal na Europeo. Pinangunahan ito ng mga Portuges at sinundan ng mga Espanyol, Dutch, Ingles, at Pranses. Napakahirap at mapanganib ang paglalayag dahil wala pang maunlad na gamit sa paglalakbay sa dagat. Noong ika-16 na siglo naimbento ang mas maunlad na kagamitang pandagat tulad ng astrolabe na kung saan ginagamit ito upang malaman ang oras at latitude samantalang ang compass ay ginagamit upang malaman ang direksyon  ng pupuntahan.