Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang nakasaad sa bawat aytem. Isulat sa patlang ang
titik ng tamang sagot
1. Ang pag-aalsa ni Dagohoy ay tinaguriang pinakamahabang pag-aalsa Bakit kaya nagtagal ito?
A. Dahil maraming Espanyol na kampi sa kanya.
B. Dahil sa makabagong armas
C Dahil hindi siya nawalan ng loob at pag-asa sa pakikipaglaban
2 Ang sumusunod ay dahilan ng pagkakabigo ng mga unang pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol
maliban sa isa
A Napamahal na ng mga Pilipino ang mga Espanyol
B. Kakulangan sa kahandaan at kaalaman sa pakikidigma
C. Kakulangan sa pagkakaisa
3. Pinagtrabaho ng mga mananakop na Espanyol ang mga katutubo nang walang pahinga at ipinadala sa
malayong lugar kumokolekta din sila ng buwis sa mga bata, matatanda at sa mga alipin. Ano ang ipinahiwatig nito?
A pang-aabuso sa mga katutubo
B. pagpatupad ng tuntunin
C. pagbibigay laya sa mga katutubo
4. Ang pagkamatay ni Diego Silang ay hindi naging sagabal upang matigil ang layunin na masugpo ang
pagmamalabis ng Espanyol. Ito ay pinagpatuloy ng kanyang asawa na si
A Gregoria de Jesus
B. Teresa Magbanua
C. Gabriela Silang
5.)Bakit nag-alsa ang mga babaylan laban sa mga Espanyol?
A) Dahil sa laganap ang sapilitang paggawa
B.) Dahil sa hindi makatarungang pagpataw ng buwis
C.) Dahil pinuwersa silang baguhin ang kanilang kinagisnang pananampalataya at yakapin ang relihiyong